
pacman vs hitman
ayun tulad ng huling laban ni pacquiao kay dela hoya bitin naman ako…nasabi ko na dati sa post ko na twing may laban si manny sa kalaban ako laging pumupusta ..wala lang gusto ko lang talaga kontrahin si siopauQ..ahehe
inpernes matagal ko din hinintay ang laban nila ni hitman..i was expecting a good fight…iniisip ko nga baka matapos nila ang 12 rounds.nakngtinapa ee 2nd round pa lang tapos na..di pa nagiinit pwet ko sa pagkakaupo tapos na agad..haist..
sabado ng gabi pinanood namin ni siopauQ yung pacquiao hatton 24/7..kahit antok na antok ako pinanood ko pa din..di ko na nga lang tipaos kasi nayabangan ako kay mayweather…kala ko cia yung lalaban kung makapag angas..sus ka!sa kampo ni pacman wala ni isa nagyabang..tapos itong matandang huklaban na ito porque magaling mag english mayabang na…hoy marunong ka ba magtagalog?!hmp hmp!
kahit antok na antok pa ako nung umaga pinilit kong gumising at bumangon para lang abangan ang laban nila pacman at hitman..pag kababa ko sa sala di pa ko nakapaghilamos pinabukas ko na agad yung tv.ayun di pa umpisa..namalengke muna ako sa talipapa sa kanto.nakapagluto at kain kami ni siopauQ di pa din naguumpisa ang laban..gang sa ayan na nagsimula ng ipakilala ang mga maglalaban..sus dumadagundong sa arena ang ingay ng mga supporters ni hatton..payanig epek pa..

sapul!
first round dalawang bagsak agad si hatton..second round kala ko ayos na 10secs. na lang natitira weh.sabay pakawala ni pacman ng isang malakas na suntok na nakapagpatabingi sa bukol bukol na mukha ni hatton.ayun tapos ang laban..

hitman:sori na boss! pacman:walang sori sori tuwad!

V for victory-B for Buboy (cute talaga netong buboy na to!hehe) pacma:tignan mo cia ang kuyuuut parang natutulog lang!
naisip ko lang..hindi kaya nanghinayang sa mahal na bayad sa ticket yung mga nanood ng live na laban?hmmm…

boy bukol with gurangis
napanood ko pa yung interview kay coach mayweather nakngtipaklong ang yabang pa din..at ayaw pa niang aminin na may pagkukulang din cia..sisihin daw ba si hatton..sus ka..kaw talaga..next time wag masyadong mayabang lalo na pag pinoy ang kaharap mo…
mE with siopauQ
hahaha..natawa naman ako sa caption mo dun sa huling picture. “BOY BUKOL WITH GURANGIS.
oo tama ka..masyadong maangas nga ang matandang ito. hehe
ako, di ako masyado excited non. kaya ayun, nag p pc lang ako habang ang mga kuya, pinsan, daddy at tito ko ay nanonood ng laban ni pacman.
at ayaw ko ang rendition ni martin nievera ng ating lupang hinirang.
masarap manood ng live stream kasi hindi delayed sa news
ehehe
pero putek.. bitin nga
sakit sa puson amf
naghanda pa naman kami ng beers at pulutan para sa laban
pero putek.. hindi ko pa nauubos yung boted
tapos na!
letch
may recording pa yata si manny kaya tinapos agad..
umuulan ng pacQ. posts nyahahaha..
awa nga ako kay Hatton e.. tumirik yung mata
btw, asar na asar pala ako sa ABC-CBN, excited magbalita.. asar talaga.
bakit?binalita ba nila agad after the fight?naku bitter lang mga yun kasi di sa kanila naipalabas yung laban ni manny..ahehe
exactly! mga bogaloids sila.. asar talaga..
ahahha yabang kase eh! di ko napanood pero naaawa ako kay hatton hehe..
naku kung napanood mo lang yung interview kay hatton at sa coach nia bago ang laban malamang di ka maawa kay hatton
lolz…buti nga kay hatton…belat kay hatton..
uu nga…dapat pati si coach binanatan
pahiya sila kay Manny eh! minaliit kase pinoy! bwahahahhaahahha!
‘the greatest fighter that ever lived’..
howyeh!
tama tama..ahahahahaha
okey payn. talo na ko. isa. akong. tanga. don’t stress the obyus.
pakyaw por 2010, you know! nyahahaha!
ahaha anu beh ee talo din aman ako sa pustahan weh…
malamang hindi mag aalisan agad ang hihingi ng balato kay pakyaw hehe..di ba?
ang yabang nung coach na yun parang tanga lang ehehe..
dapat nga binigyan din ng isa yung ni pakyaw hehe..:)
galing galing nakakabitin nga sa gym pa ko nakinood kahit pwede naman dito sa shop hahaha..
alam ko bakit sa gym ka nanood…dami kasing macho fafa dun..ahaha
nalaman kong nanalo c pacman dahil inanounce ng piloto ng plane na sinakyan ko pabalik ng maynila… hehehe… fortunately napanuod ko siya sa solar sports nung gabi na… salamat sa pag ulit solar sports…
mabuhay c manny!
asan ang pasalubong ko?ahehe
mabuhay! una kong nalaman sa AM radio.. lived kasi broadcast nila dun, hindi mo ngalan makikita
imahinasyon mo na lang ang pagaganahin mo..
tapos, ’saka ko na lang hinintay na ipalabas sa tv, para makita kung paano bumagsak si hatton..
kami po kasi ni siopauQ bawal humawak ng cp at bawal lumabas..para siguradong di namin agad malalaman kung sino panalo..panget kasi manood ng alam na kung anu ang resulta…ahehe
whaaah…first thing in the morning kahapon…open ako ng youtube… laking tuwa ko panalo tayo….kahapon during lunch..katabi ko yung kaibigan kung Irish…sabi nya sa news daw sa UK puro yun ang pinag-uusapan…mga 35,000 daw umattend na britons….ang siste ng matalo si Hatton…wa na news sa mga tv station nila….biglang tahimik…
mabuhay!
ang yayabang kasi nila weh..buti nga..ahaha
yabang nga ni hatton….ayun pahiya tuloy xa…
yung coach pawang gegu lang…..hahaha
pareho cla ng coach nia mung gegu
cutie ako naman gumising ng 5:20am para magprepare at manood sa kapitbahay namen pinoy sa kabilang building pa haha. ayun pinakaen pa ako ng goto nila. oha mibre brekpas pa haha.
neweys dun sa laban, oo nga bitin din ako. di pa na digest yun goto tapos na agd. di man lang pinaabot ni manny kahit 5 rounds e.
yung coach ni hatton ang yabang pa din, sarap ibabad sa kloroks haha
asar nuh..pinalalamig pa lang ng konti yung goto tapos agad..parang practice fight lang..ahaha
yung matandang un dapat dun ipalaban kay pacquiao ee..
base! hehe
I lab u Manny! hehe.
ayan kasi hindi pumusta kay Manny. lol
napanood mo ba si Aling Dioniscia? kakatuwa ano? ang angas. hehe
hindi ee..umalis kasi agad ako pag katapos ng laban..