nakakatawang isipin na ang tao kahit na alam naman na hindi natin maaring hawakan ang isang bagay panghabang buhay ee ayaw pa din natin bitawan..
kelan nga ba mahirap pakawalan ang isang bagay?
pag nasanay ka na nasa iyo ito?
o
pag inangkin mo na ito?
mE with siopauQ
aw.. minsan kasi sanay ka na talaga na nanjan yun..
minsan din di natin naiisip na nagiging makasarili na tayo.
mahirap kasi pakawan ang tao lalo na kung napamahal na sya sayo.. kahit di mo sabihin na ayaw mo sya pakawalan nararamdaman mo iyon sa sarili mo…
Day II na ng boracay adventure ko, halika ipapasyal na ulit kita…
ang isang bagay, tao, relasyon o ano pa man, kung nahihirapan ka na, bitawan mo na, pero oras na matuto at maging maayos ang mga bagay na iyon, wag kang magsisising makita syang hawak ng iba…
yan ang tatandaan mo, pero ito ang palagi kong tinatatak sa isip ko…
“kaya sya naging maayos dahil binitiwan ko sya, alam ko hindi sya magiging ganyan kung pinabayaan ko ang mali niyang nakakasanayan, masakit sa akin ang lahat pero alam kong mahal ko sya at di bale ng hindi nya sa akin gawin kung may matutunan man pagdating ng panahon, ang mahalaga nasaktan man ako, natuto naman sya”
-tangina nadala ako… halata bang may pinaghuhugutan ako???? lolz
nakow…hirap nga yan…-,-
psssst….pa spam sa bahay ko…
tsalamat…
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/maniwala-ka-lang
napadaan lang azul….kamusta na kayong lahat????
magandang tanong yang nasa topic mo…..paano nga ba?
sa akin lang mahirap talagang pakawalan ang isang bagay na nasanay ka na. lalo na kung nakakapagbigay ito ng kasiyahan sa sarili mo…… kung isisipin natin ang sarili natin hindi tayo bibitaw pero ang kakalabasan nito napaka selfish naman natin…..
kaya dapat we think logically…. kung dapat pakawalan then let it go…..dahil pagkatapos nun masasanay din tayo na wala iyon….and makikita natin na ok naman pala ang lahat.
yeah, kadalasan kasi, kahit alam nating mahirap mas lalo nating pinahihirapan ang tao.
katulad sa tanong na paano mo panghahakan ang relasyon na hindi mo mahal ang isang tao, pero nananatili ka sa ganitong senaryo?
hindi ba’t mahirap?
bukod kasi na pinaniniwala mo ang sarili na mahal mo s’ya, pinaniniwala mo din s’yang minamahal mo s’ya . hindi ba’t mahirap yun? kasi hindi ka lang nagsisinungaling sa sarili mo pati na rin sa kanya.
mabuti pang pakawalan mo s’ya, sa ganoon isang sakit lang ang mararamdaman, kaysa patagalin pa. emo
pakawalan na lang..
mas ok sa pakiramdam na may pinakawalan ka
kesa sa may sinasakal ka.
Mahirap, kapag sinasabi mo sa sarili mo na kelangan mo ito. Pero kung alam mo kelangan mo nang bitawan, hindi na ito kasing hirap. At hindi naman bigla-biglaan ang pag-bitaw, may dahan-dahan effect pa yan.
(opinyon ko lang po)
syempre mas mahirap pakawalan yung una…yung una becomes part of u na. yung last one eh wala namang intrinsic value.
Mahirap bitawan kase umaasa pa din tayo na mapapasaatin din ang bagay na yun, na things will eventually change for the better.
pwede mo syang angkinin pero ang tanong..
magpapa angkin ba sya?
parang walang gusto ng ganun.
hi azul magandang gabi sa iyow
sa tingin ko di mo maaangkin ang tao kahit kasal na kayo kasi may sarili pa ding isip at puso yan e.
pero kung sa isa ang itinatakbo ng mga puso nyo at marunong magparaya malamang na puedeng maangkin mo siya by heart. pero yung parang, gawin mo to, ayoko nyan para sayo, kainin mo to, etc etc hindi mo magagawa yun sa kanya.
bakit azul, may gusto ka ba maangkin na di mo makuha? hehe
..sabi nga ni idol Bob Ong. “huwag na huwag mong bibitawan ang isang bagay na hindi mo kayang makita na hawak ng iba”. oha.
mahirap bitawan ang isang bagay kung ito ang nagbibigay saysay bakit ka nabubuhay.
para ano pa ang isang araw sa mundo kung wala ng rason ang buhay mo.
kung pwde lang sana angkinin ang isang tao at ituri tong sayu, sana matagal na ginawa ko na.
Pero kagaya ng sinabi ko sa taas, karapat dapat bang angkinin ka ng isang tao na indi mo gustong umangkin sayu?
o siya. ampotah. ang lalim na nito. indi ko na mahukay.ha ha ha
pS: nbinasa ko ito dalawang beses. ha ha ha
wow salamat naman maldz kung ganun..gusto kong isipin na nagustahan mo ang entry kong ito..wahehe
ang hirap nga ng tanong. pangkaraniwang nangyayari..alam nating hindi dapat pero hindi natin alam kung bakit. siguro nga..dahil sa pagmamahal.
minsa kahit alam nating kailangan na nating bumitaw, masarap paring kumapit. minsan naman, ayaw na nating kumapit pero nanghihinayang parin tayong bumitaw.
dahil na rin marahil sa pinagsamahan noh kuya eli?
oo tama.. lalo pa’t malalim ang pinagsamahan, ang hirap pakawalan.
ano nga ba sa dalawa hehe..mini mini mayni mo hehe..juk hehe..
mahirap angkinin ang hindi talaga para sayo ..huwaw..
emo ka ba sis hehe..bat naman napaka literal ng tanong mo hehe..
gusto ko lang malaman ang opinyon ng ibang tao hinggil dito..hehe
pag madulas na bitiwan na
ibig sabihin nagpupumiglas na..
pag malagkit edi hawakan ng maigi
ibig sabihin angkinin dapat
paumanhin hamster pero iba talaga ang naiisip ko dito sa lagkit at dulas factor mo..ahaha
hahahahaha ganun??
pero yan talaga ang da best way to edcribe
the rule of letting go and holding on!
may tao nga bang pwedeng angkinin?
pag kinasal ba kayo di mo pa din cia pedeng ituring na pagmamay ari mo?
indi..hindi dapat na angkinin mo ang isang tao kahit na kasal kayu. Darating din ang panahon na, you have to let go.
potah.emo naman.ha ha ha..yoko na!
hinde pa rin….may sarili syang isip, may sarili syang puso…hinde mo pwedeng saklawin ang kanyang pagkatao…ergo, hinde mo sya maaangkin
…pasensya nameyn, emo mode…matnding, matinding emo mode…nyemas!
ang hirap ng tanong kelangan ko ata ng masusing pag-nilaynilay. hehe
go lang monzki magnilaynilay ka lang jan..hehe