pssst..pssst..rawrr!

okei  eto na yung entry ko dapat para kahapon na naudlot dahil sa babaita kong boss..naku pasalamt cia buntis cia..at pasalamat cia mabait ako..diko kinakalat na buntis cia at si tutuuuut ang ama…hakhak

 

okie game simulan ko na yung talagang topic ko…

 

nung miyerkules ng gabi umatake nanaman ang pagka nocturnal ko..pinipilit kong matulog dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan kaso ayaw talaga akong dalawin ni haring antok…kaya ayun naisipan kong maglaro na lang ng games sa isa kong cp..mag isa pa lang ako sa bahay nun…so ayun na nga mataimtim akong naglalaro ng games habang tahimik at madilim ang buong paligid ng bigla na lang akong may narinig na sumusutsot…ciempwe natigilan ako..alam kong wala akong kasama sa bahay dahil hindi ko pa naririnig mga yabag ng paa ni kua jhong,yung pinsan ko  na kasama ko sa bahay.una pa lang natakot na ko..pero pinilit kong wag intindihin ang narinig ko at tinuloy ko ang paglalaro..after 15mins ayan may sumusutsot naman 3beses sunod sunod.dun na ko natakot ng tuluyan..imposible kasing mga tambay sa labas yung naririnig ko kasi nasa taas yung kwarto ko.cgurado din ako na hindi pinsan ko yun kasi hindi nia ugaling takutin ako pag dating sa ganung bagay dahil alam niang iiwan ko sia anytime na gawin nia yun…anung sumunod na ginawa ko?ayun nagmamadali akong ibaba yung cp ko…kinuha ko yung kumot ko at nagtalukbong kahit na napakainit ng gabing yun.tatlong unan din ang yakap yakap ko nun at promise may isang oras din akong dasal lang ng dasal.takot na takot ako.ramdam na ramdam ko yung panginginig ng katawan ko.kung anu ano na din ang pumapasok sa isip ko..naisip ko na baka mamaya pagtingin ko sa tabi ko katabi ko na pala yung multo sa bahay namin..hindi ko talaga ang gagawin pag nangyari yun.malamang himatayin ako or worst mabaliw ako dala ng sobrang takot.

maraming beses ko na din naramdaman ang casper sa bahay namin.una nung bata pa ako…kakatapos ko lang maligo nun.isasara ko na sana yung pinto ng banyo nung biglang bumukas yung ilaw…sa sobrang takot ko tumakbo ako papuntang garahe at hinintay dumating ang tito ko bago pumasok ng bahay.

yung mga sumunod na pagpaparamdam nia mejo mild na lang.yung tipong kung nsa baba ka ng bahay meron kang maririrnig na maliliit na yabag mula sa itaas.lam mu yung parang may batang pabalik balik na naglalakad.ganun yung tunog…pag nasa kwarto ka naman maririnig mo yung upuan sa may dining area na may humihila.

nung minsan naman na wala kaming kuryente maaga akong natulog nun..tapos naalimpungatan ako nung maramdaman ko na parang may naupo sa gilid ng kama ko .dun mismo sa side kung saan ako nakahiga.inisip kong baka si kua jhong lang yun.kaya hinawi ko pa yung buhok.tas natulog na ko ulit.kinabukasan nalaman kong hindi pala umuwi si kuya nun..otomatik na tumayo ang mga balahibo ko..pinilit kong isiksik sa isp ko na panaginip lang yun…

ang sunod na encounter ko kay casper ee last year lang..malapit na ang chismaz nun..laging 2am na umuuwi si kua jhong sa hauz dahil sa work nia kaya madalas ako lang mag isa sa bahay…gang sa isang gabi nagising ako sa pagkahilo.meron kasing yumuyog ng kama ko.alam mo yun tipong may nakaupo sa sulok ng kama at nagbabounce bounce..ganun yung paki ramdam.dumilat ako pero wala akong makita..kea pumikit ulit ako iniisip kong panaginip lang yun kea lang 15mins ng niyuyugyog ung kama ko at nahihilo na ko.ang ginawa ko nagdasal ako ng malakas.mea mea tumigil na yung pag galaw.tas narinig ko  yung mga yabag ng paa ni kua paakyat ng hagdan.3sunod sunod na gabi na ginawa ni casper yun.at dahil sa takot ko..iniiwan kong bukas yung ilaw sa kwarto ko pagmatutulog na ko.

hindi lang naman cia sa akin nagpaparamdam..sa lahat ng tumira sa bahay na yun nagpaparamdam cia.kahit si siopauQ di nakaligtas sa kanya..pinakanatakot ako nung minsan gabi na nun natutulog na kami ni siopau  nung tumuwag si kuya sa cp ko.ciempwe nagtaka ako.nasa baba lang cia bakit kailangan pa nia akong tawagan.pinalabas ako ng kwarto ni kuya tinanong kung may bumaba daw ba sa amin.sabi ko wala tulog na kami.kinabahan na ko nun.alam kong may kababalaghan na namanng nangyayari.at hindi ako nagkamali.sabi ni kuya masaya daw ciang nakikipagusap sa gf nia sa pown ng mapatingin sia sa may hagdan may nakita daw ciang paa.pababa na pero biglang bumalik sa taas.akala pa nga daw nia si siopau un ee.kaya pinaliwanag ko sa kanya na natutulog na kami at walang bumababa sa amin..mangiyak ngiyak na ko nun dala ng takot.naginginig ang buong katawan ko.muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko..ang ending sama sama kaming natulog sa sala…

 

sabi ng tito ko meron daw dun itim na dwende at ang tambayan nia ang hagdan..marami ng umalok sa kanya na paalisin na yun sa bahay pero ayaw talaga ng tito ko.mabuti na raw yun para may bantay yung bahay pag walang tao…ang masama lang parami na ng parami ang naninirahan na kung anuman sa bahay namin.nung minsan kasing nakitulog sa bahay namin yung bestfriend ni kuya jhong may nakita daw ciang babae na nakaupo sa sulok ng kama ko.akala nia ako kaso pagbaba nia nakita nia ako sa s sala nanood ng tv..

haay naku sa dinami dami ng pwedeng pamugaran bakit kailangang sa bahay pa nmin.dami dami kayang bakanteng bahay jan.dun na lang sila mas malaki pa…

tukad nga ng sinabi ko sa  entry ko dati na awooo ,multo ang kahinaan ko.iharap mo na ko sa lahat ng uri ng mababangis na ipis at lamok wag lang sa multo.ikakamatay ko yun.

 

ikaw anung kwentong multo mo?

Advertisements

27 mga puna (+add yours?)

  1. anakngpating
    Mar 03, 2009 @ 07:42:04

    pray lang talaga katapat ng ganto hehe..
    wow ha duwende ang naninirahan buti na lang hindi ka sinasama ng duwende jan senyo naku lagot na hehe..
    eksperyens sa multo bata pa ko nun tita ko nagparamdam sakin sa salamin pa nakita ko sya patay na sya nun pang 40days nya nun nung makita ko sya kilabot talaga pero sabi ko sa isip ko sinamahan lang nya kami hehe..

    Sagutin

  2. gudang
    Mar 02, 2009 @ 08:36:44

    ang CREEPY naman. 😀 hehe.. makita ko na ang lahat ng hindi dapat makita, wag lang multo, shet! 😀

    –gudang!

    Sagutin

  3. simplefula09
    Mar 02, 2009 @ 08:26:48

    take 2…hehehe

    aq din q wento bout sa mumu…katakot….
    basta laging tatandaan “WAG KANG LILINGON”

    Sagutin

  4. simplefula09
    Mar 02, 2009 @ 08:25:12

    aq din q wento bout sa mumu…katakot….
    basta wag laging tatandaan “

    Sagutin

  5. abrel
    Mar 02, 2009 @ 08:06:57

    ayan….paramdam lang..di ko na nabasa

    Sagutin

  6. blurosebluguy
    Mar 01, 2009 @ 17:58:48

    hhhhhhhhhhhhhhhm………hmmmmmmmmmmmmmmmmmm.
    nakakatakot naman pala ang experience mo iha,,,,,+’ì0938’585734879&&)==Z&>(%&£&($90340’381

    ayan tuloy kung anu-ano na ang nasulat ko….òàOTRHFS,NSDJHaòye1à
    ayan pa tuloy…..

    Sagutin

  7. kengkay
    Mar 01, 2009 @ 13:02:49

    hahaha, madami akong kwentong mumu. sa laguna nung retreat namin nung highschool. lakas ng iyak nung asa next room, super hagulgol. sabi ko no ba yon, matulungan nga. katok ako ng katok. walang sumasagot. binuksan ko pinto, wala tao. nyayyyyy, ang mga kasama ko pala e wala na sa mga kwarto nila at asa kantina na, sempre di ko sinabi sa kanila at baka matakot sila. naks, pa hero epek pa daw, hahaha

    Sagutin

    • azul
      Mar 02, 2009 @ 02:58:33

      hahaha momi kengks nabasa ko yung comment mo gamit ang cp ko..may access kasi ko dun sa email ko..bongga nasa rum ako nun at ciempwe nagtalukbong ulit ako..ahahay

      Sagutin

  8. flamindevil
    Mar 01, 2009 @ 12:10:11

    iheychu!yoko ng ganito.duwendeng itim?katakot naman.mag-isa pa naman ako ngayon.waaaaaahhhhhh

    Sagutin

  9. taympers
    Mar 01, 2009 @ 11:22:01

    Impernes mejo natakot ako pero keri lang kasi lagi namang kaharap ko salamin sa umaga at hapon kaya sanay na sa multo.Hehe

    Sagutin

  10. emilayskie
    Mar 01, 2009 @ 00:19:42

    Yikes! Kainis naman! Dapat pala hindi ko binasa ito ng buo. Huhu.. Takot din ako eh. Pero buti naman at wala pa akong first hand exeperience sa mga ganyan. Lagi pa naman akong mag-isa sa bahay. Pray lang ako lagi. Hihi..

    Sagutin

    • azul
      Mar 02, 2009 @ 02:55:30

      minsan akala lang natin mag isa tayo pero ang totoo may mga “kaibigan” tayong nasa paligid lang..naghihintay ng tyempo para makapagpapansin..

      Sagutin

  11. sandijmartin
    Feb 28, 2009 @ 14:39:27

    hehe.. nakakatakot naman ang post mo pati title, psssst.. rawrr( sabay takbo)

    Sagutin

  12. redfieryheart
    Feb 28, 2009 @ 13:22:14

    awoooo, mabuti kapatid at wala pa akong ikatlong mata. Minsan ay blessing ito pero madalas, lalo sa kagaya mo nakupoooooo e di mainam. Ako kahit kelan mas takot sa buhay hahaha. Pasabit sa mga kabloggers mo ha.
    buhaypenoy.wordpress lang po.

    Sagutin

    • azul
      Mar 02, 2009 @ 02:53:48

      ndi pa naman bukas ang third eye ko.at mas gusto ko pang magpatubo ng bangs patagilid at tawaging emo kesa makakita ng mga “kaibigan”

      salamat sa pgcomment daan ako sa blog mo mea..

      Sagutin

  13. VANVAN
    Feb 27, 2009 @ 12:50:08

    ehhh..tindig balahibo naman ito blu…

    weekksss..

    Sagutin

  14. jem
    Feb 27, 2009 @ 12:36:48

    never had a ghost encounter before..pero cool din siguro kung may true story kang maikukuwento.. 🙂

    Sagutin

  15. Jeck
    Feb 27, 2009 @ 10:09:18

    nakakatakot naman yan. yung kwento kong multo e yung nandun kami ng ex-gf ko sa bahay ng lola nya. medyo luma na rin kasi yung bahay e at madami talagang nagpaparamdam. isang gabi habang nanunuod kami ng tv sa sala, may biglang yabag ng paa sa taas. pero wala namang tao dun. dun ko yun unang naramdaman. tapos isang hapon naman, sa banyo matapos mag-CR yun nanay ng eks ko, biglang may nagtapon ng tabo sa timba na puno ng tubig. ang lakas ng pagkatapon. wala namang tao nun sa banyo e. wala lang. kinabahan lang kami. yun lang. haha

    Sagutin

    • azul
      Feb 27, 2009 @ 10:26:14

      inpernes mas gusto ko na yung paramdam lang gawin sakin kesa naman magpakita..nku tiyak coffee party ang susunod na eksena sa bahay namin pag nagkataon..hahay

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: