tugon para kay monzki

para kay mon ng monzavenue

Mon, sa Abril 30th, 2009 Sa 4:22 hapon Said: Edit Comment

huh! lagi na lang bang ganyan? wala ka ng time para sa ‘min ha!? tama ba yun? asan ba talaga kami sa puso mo? ha?!! naiintindihan namin na huli na kami sa priorities mo. peru wag mo naman masyadong gawing obvious na wala talaga kaming halaga para sa’yo!! CUT!!

hehe.. ayos ba direk!? LOL

comment mula sa huling entry ko

alam ko naman madami na talaga akong pagkukulang…nakakapagpabaya ako ng hindi sinasadya…madalas na ako mawalan ng time para sayo…sa lahat,para sa iba…madalas na akong wala na kahit amoy kandila man lang hirap pa kong iparamdam.alam kong mali ako pero wag mu na isipin na hindi kayo mahalaga sa akin.na binabalewala ko kayo dahil ang totoo sobrang halaga nio sa akin.takot akong mawala kayo kaya nga pinipilit kong ayusin agad lahat ng dapat kong ayusin para maibuhos ko na ng buong buo ang atensyon ko sa inyo tulad ng dati…patawad kung pakiramdam mo huli kayo sa priorities ko…hindi ganun yun…nagkasabay sabay lang talaga ang problema ko.sunod sunod ang dapat ayusin.

wala pang isang linggo nung nagpaalam ako na mawawala tapos ngayon heto ulit ako pawala wala nanaman..dami ko kasi kailangan gawin…

nung nakaraan linggo matagal akong nawala .naging bc sa paghahanap ng lilipatan.gang sa nung huwebes inakala kong makakalipat na kami..buti di natuloi binabaha pala yung lugar ng paglilipatan kaya heto hanap ulit kami.

ngayon bcbchan ako sa pag gawa ng resume ng utol ko at kaibigan nia.mag aapply daw kasi sila…todo paayus din kami ng tubo ng tubig na lagi na lang sira.(nasabi ko na bang 4k+ lagi ang bill namin sa tubig?)

inaasikaso din namin yung sa kuryente namin..di kasi kami pinapaldalhan ng bill…may dumating nung isang buwan kaso 5php lang babayaran wala  din nakalagay na energy consumption sa bill.baka maya bigla na lang kami putulan.sabi ni uncle dapat daw ipacalibrate yung meter.

ang pinakahuling pumasok na problema sa akin ay yung cellphone ko.ayun bonggang bongga ang pagkasira.hindi mahanap ang sira.ayaw gumana kahit napalitan na yung flex at LCD..sabi baka display IC daw ang sira..ay ewan basta yun magiisang linggo ng wala sa piling ko ang celfon ko.di pa sure kung magagawa pa yun..aguy!

kaya sorry na kung lagi akong wala..promise babawi ako…

pati sa mga utang kong tag..sorry na…gagawin ko yun pagdating ng panahon…sa ngayon kasi abala pa talaga ako…sorry!patawarin mo na ko huh…piz teo…

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

okei cut!hehe bhelat monzki…marunong din ako nian..ahaha…kinabahan ka nuh!hehe yan kasi binigay na iskrip ni direk sinusunod ko lang..hohoho

uy totoo yung paliwanag ko huh kung bakit ako pawala wala…

hehe piz!

Advertisements

21 mga puna (+add yours?)

  1. Winkie
    May 01, 2009 @ 15:59:05

    hahaha… may dramang nagaganap pala dito ah! kayo na ba ni mon ang bagong loveteam??? hehehehe!

    Sagutin

  2. anakngpating
    May 01, 2009 @ 12:30:07

    hahha
    mukang maedjo may namumuong ano sa inyo ni mon ah kaya ganyan na lang kayo kung umarte may naamoy ako ah hehe..tapusin mo na ang lahat ng yan at ng di nagtatampo sayo si mon hehe…:)sis..

    Sagutin

  3. sandijmartin
    May 01, 2009 @ 06:27:34

    waahhh.. kakaiyak naman ito… singhot..hikbi.. singa 🙂

    Sagutin

  4. joycee
    Apr 30, 2009 @ 21:36:16

    wow pede nang dramarama sa blogosperyo hihi..

    Sagutin

  5. Mon
    Apr 30, 2009 @ 18:23:46

    at seryoso pala yung mga nasabing mong reasons. for real pala? sowee to hear about that! kaya mo yan azul!! God Bless.

    Sagutin

  6. dencios
    Apr 30, 2009 @ 18:14:54

    nagulat naman ako sa statement mo azul haha.

    sumali na kayo sa starstruct ni mon.

    tutal pareho kayong umarte, magaling umarte.. nice.

    🙂

    Sagutin

  7. blurosebluguy
    Apr 30, 2009 @ 17:49:36

    kaka-iyak naman…hikbi…
    asus at may drama pa pala kau ni MON….
    ano title, aber?

    Sagutin

  8. simplefula09
    Apr 30, 2009 @ 17:33:46

    ayun muntik na kong maiyak buti na lang hindi..hehehe

    Sagutin

  9. vanvan
    Apr 30, 2009 @ 17:33:06

    wahehehe…adik kayo ni mon…

    hahaha…

    Sagutin

  10. Mon
    Apr 30, 2009 @ 17:32:24

    wow haha! at talagang nag-explain. tats naman ako! pa-kiss nga. daig pa natin dito si Marvin at Jolina ah! LOLs

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: