pag sinabing ayoko, AYOKO!

may mga bagay ayaw na natin. at may mga tao o pangyayari na pumipilit sa atin para gawin ang isang bagay…

ako?pag sinabi kong ayoko ibig sabihin nun ayoko talaga..kaya wag ng mangulit kung ayaw mong may masabi akong di mo ikatutuwa at paniguradong ikasasama ng loob mo..mana kasi ako sa tatay ko…masakit magsalita (minsan)

.

.

.

.

.

.

.

.

okei na sigurong opening speech yun para dito..ahehe kelan lang na tag ako ni ms.reesie tapos kahapon nabasa ko aman yung panibagong tag sa akin ni joycee …bale pareho sila ng tag mas madami nga lang yung kay joycee.kaya para walang away 10 na lang gagawin ko huh…ahaha

eto yung rules:Write 10 things/persons/animals/at kung-ano ano pa that you hate and/or your petpeeves. Tag 10 people afterwards.

iniba ko yung sa akin..hinaluan ko ng mga gusto ko para maiba naman saka para di puro reklamo..okei..

so panu simulan ko na…

  1. ayoko sa mga pa-VIP..yung kala mo kung sino kung makapagpahintay..sobrang mainipin ako..kaya kung di importante ee wag ka magpahintay sa akin..wala akong tyaga jan.magkaroon man sigurado pagdating mo parang armalite na raratrat seo ang bibig ko…saka kung alam mong matatagalan ka siguraduhin mong magsasabi ka agad hindi yung kailangan pang mabadtrip ako ng bongga at paulit ulit kang tanungin kung anu balita seo bago ka magsabi..
  2. ayoko sa mga nambubully sa kahit na sinong malapit sa akin…lalao na pamilya ko..kahit pinsan kita di ako papayag na inuutosutosan mo lang utol ko.bakit pinanganak ka bang de katulong?pwes maghanap ka ng katulong na uutusutusan mo…sa akin pagdating sa pamilya ko handa kong ilaban ng patayan yan…lalo ang nanay ko..
  3. sa mga maarte..babae o lalaki wala akong paki basta ayoko sa maarte..mabilis ako mairita…
  4. ayoko sa mga kabit..yung alam ng kabit lang ee may gana pang magmalaki sa mga original na pamilya.hoy ungas!ganu ba kalaki ang pangangailangan mo at di ka mapakali sa pagkamot?kahit sino ka pa..kaibigan o pinsan o kapatid kung kakabit ka wag mo asahang irerespeto kita…matatanggap kita oo pero asahan mong kasing baba ng lipad ng penguin ang respeto ko sayo..
  5. tulad ng karamihan ayoko sa mga mahilig sa exlinks tapos di na bumabalik..nagbubura din ako ng links..tinatanggal ko yung mga links na di naman nagcocomment o di man lang bumibisita kahit minsan.pwera na lang kung gustong gusto ko ang blog mo…tulad ngayon kabubura ko lang ng ilang links na walang naidudulot sa akin na kahit anu..ahekz..
  6. ayoko sa tao..ay hindi pala anu lang ahmm..panu ko ba ieexplain..hindi lang ako yung tipo na mauunang lalapit sayo para makipagkaibigan o kwentuhan lalo’t hindi kita kilala..ayoko din yung lagi akong nag aadjust sa paligid.lam mo yung panibagong lugar panibagong pakikisama..ay wag mo kong asahan sa ganyan..hindi ako marunong gumawa ng magandang topic na pwedeng pag usapan ng dalawang tao na hindi pa magkakilala.tahimik ako kung sa tahimik.
  7. ayoko sa tamad…tamad kasi ako kaya ayokong may mas tamad pa sa akin.sino pa uutusan ko kung tamad din ang kasma ko di ba..
  8. mga gusto ko aman ciempre ang manggang hilaw o manibalang..basta hindi hinog…sabayan ng bagoong na mejo maanghang..nakow!natry ko na yung buong araw mangga lang ang laman ng tyan ko..ayun ang saya..hehe
  9. gusto ko sa isang tao yung nakikita kong nagsisikap cia para mapabuti ang buhay nia.yung di baleng mahirapan cia may maipakain lang sa pamilya nia..sobrang hanga ako sa ganun..masarap clang tulungan kumpara sa mga taong walang ibang magawa bukod sa umasa sa mga pinaghirapan ng iba.
  10. gusto ko sa mga taong sang ayon sa mga nabanggit ko..ahahahaha yamu na ganun talaga..

nahihiya akong mag tag kasi yung ibang tag sa akin di ko pa nagawa..sori po huh lalo na kay lovely… sori sis kasi aman ang hirap ng tag mo sa akin.saka yung kuha ng sulat ko andun sa cp kong sira…kay kuya sandi isusunod ko na lang po yung sayo huh..

Advertisements

45 mga puna (+add yours?)

  1. Aling Baby
    May 07, 2009 @ 17:23:22

    meron sa mga nabanggit mo na kapareho ng sakin. haays ganyan talaga ang buhay…marami asungot hehe…pero coool ka lang, pakiramdam ko habang sinasalitype mo ang mga ito eh nasa harap mo lang ang mga kinaiinisan mo kasi ramdam ko yung poot eh hehe… 🙂

    Sagutin

  2. Mon
    May 07, 2009 @ 13:39:26

    ayoko rin sa mabaho, sa pa-VIP, sa bully.. sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. hehe

    Sagutin

  3. kengkay
    May 07, 2009 @ 04:23:42

    ekk, maarte ako, ilag muna ako, hahaha

    Sagutin

  4. emilayskie
    May 06, 2009 @ 23:34:21

    Ouchness sa number 4. Kumabit din ako dati pero super separated na sila at hindi naman ako pumapel dahil di naman ako nagpakilala dun sa kabilang family. LOL.

    Pero pareho tayo sa number 7. Dapat wala ng mas tamad pa sa akin. Nyahahhaa..

    Sagutin

    • azul
      May 07, 2009 @ 09:35:48

      ahehe sori aman pu…atleast di ka tulad ng iba na nagmamalaki pa sa orig di ba..apir!

      so di teo pde magsama…o kaya kung magsasama tayo dapat may isa pa tayong kasama na masipag para mautusan natin..hakhak

      Sagutin

  5. anakngpating
    May 06, 2009 @ 21:20:29

    may tag/award ako sayo..
    bisita ka dito..
    http://anakngpating.wordpress.com
    hugs..

    Sagutin

  6. vanvan
    May 06, 2009 @ 20:50:24

    madami akong hates sa life..aheks…

    masaydong hater??

    aheks..

    Sagutin

  7. dencios
    May 06, 2009 @ 16:31:04

    ayoko din sa lagi ako nagaadjust para sa isang bagay. pag ayaw ko ayaw ko at tahimik lang ako pag pinilit ako baka makasapak lang ako 😀

    cool post bloociadow.

    Para sa lahat:
    magkachat kame ni azul kahapon. haha (parang big deal :D)

    Sagutin

  8. foobarph
    May 06, 2009 @ 12:36:43

    di ka naman galit nyan?

    *batok*

    oh eto iced tea, magpalamig ka muna. 🙂

    Sagutin

  9. Reesie
    May 05, 2009 @ 22:43:45

    thanks for doing the tag azul!

    ayaw ko sa mga no.1! grrrrr… feelingera importansya!!! 😀

    Sagutin

  10. Winkie
    May 05, 2009 @ 22:37:31

    teka, makapagcomment nga muna at baka ma-number d ako… mabura ang link! hahaha!

    panu yan azul, number 3 ako. eh di ayaw mo din sa kin… hehehe!

    teka, bakit ung last 3 items eh “likes” na? naubusan ka ng hates noh? inpernes, mahirap gawin ito. ung sa akin hanggang ngayon eh nakadraft pa rin. ang hirap bumuo ng 13 eh! sampu na nga lang din kaya gawin ko?

    Sagutin

  11. joycee
    May 05, 2009 @ 22:15:23

    Uy thank you sa paggawa sis tats ako pramiss!

    Parehas tayo, sa una di talaga ko namamansin, as in di kita kakausapin unless i-approach mo, hinde ako suplada pero nahihiya ako na ako yung unang mag-aapproach nyahahaha.

    Salamat ulet *mwahugggs*

    Sagutin

  12. Ax
    May 05, 2009 @ 20:44:23

    number 10.. ako yung number 10! hehe.

    Sagutin

  13. sandijmartin
    May 05, 2009 @ 16:52:20

    haha.. di ka pa nyan galit ha? (joknezzz) 🙂

    kainis talaga yang mga taong nagsasamantala sa pinaghirapan ng iba..

    gusto ko sa mangga yung manibalang.. tapos gagawin kong ensalada.. tsalap tsalap..

    Sagutin

  14. epfi
    May 05, 2009 @ 16:10:02

    7 na ayaw
    3 na gusto

    sa susunod
    7 na gusto na gusto naman at 3 ayaw lang

    high blood ka masyado eh
    lolz

    Sagutin

  15. anakngpating
    May 05, 2009 @ 15:39:55

    haha inuto mo pa ko,hehe..
    hindi pwede hehe pumayag na nga ko na kahit matagalan eh hehe..:)
    wooot..si fula pala kasali dun sa di pa ginagawa ung tag mukang nag usap kayo na wag gawin un ah hehehe..
    hmmmmmmp

    Sagutin

  16. livingstain
    May 05, 2009 @ 15:05:52

    cool ka lang, pag usapan naten to…

    Sagutin

  17. livingstain
    May 05, 2009 @ 15:01:40

    cool ka lang, gusto mo pag usapan naten yan?

    Sagutin

  18. blurosebluguy
    May 05, 2009 @ 14:54:18

    wow pinaghalong ayaw at gusto pala ang kinalabasan nito….sweet n sour!

    Sagutin

  19. anakngpating
    May 05, 2009 @ 12:55:23

    huhuhuhuhuhuhuhuh:( bket nasira phone mo takteng phone yan nasira pa mabuo ka na nga kaylan mo pa ba yan iapapagawa bat hindi mo nisave sa docs wooot..sige na nga bawiin ko na lng kaya yung tag na yun sayo kasi…naiirita na rin ung iba nyahaha jokeness basta w8 ko na lang kung kaylan mo magawa kasi naman hindi lang naman ikaw ung di pa nakakagawa nun anjan din si lio lokoloko na dinedma lang ung tag ko,atlist ikaw nagpasabi ka na nasira si phone hehe…anyway medjo nagtaka ako dun sa 8 2 10 hehe mga gusto mo na ang lumabas agry ako dun lalo na sa 8and 9 sarap ng mangga at ang mga simpleng tao..:)ayts..wooot..mwah

    Sagutin

    • azul
      May 05, 2009 @ 14:15:05

      mukhang magandang idea ang pagbawi sa tag napakabait at napakagandang lovely..maraming uunlad pag isinakatuparan mo yan..bakit kaya di mo umpisahan sa akin.ahahaha

      Sagutin

  20. simplefula09
    May 05, 2009 @ 12:38:06

    haha buti kapa ngawa mo nato,,ako d pa eh,,cge gwa na din me,,,nyame

    haha mukang highblood ka ha???nyaha…galit na galit hohe…

    gusto k din yung #9,,,sarap tulungan ng mga ganung tao,,,,kaasar nga yung mga “UMAASA” sa pnighirapan ng iba,,taz mga tamad nmn,,,well ganun tlga cla,,,,nyaha dats lyf!!!

    Sagutin

  21. otep
    May 05, 2009 @ 12:23:55

    scary naman ng title mo, parang mananapak.. nyahahahahaaha 😀

    siguro wala lang talaga akong friends kaya walang nag tatag sa’kin, nyahahahahaha 😀

    akala ko puro “ayoko” na lang mababasa ko

    buti na lang may 8-10.. hehehehe..

    sang ayon ako sa mga nabanggit mo kaya gustuhin mo ko toinks! nyahahahaha..

    nag enjoy ako dun ha…

    pareho tayo ng mga away. este ayaw.. hehehe

    😀

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: