antaytold…

ako yung tipo ng tao na pag may nagustuhan ee diko titigilan gang di ako nananawa..yung tipong alam kong pwedeng makasama sa akin pero kahit anong pilit ang gawin ko ee di ko pa din mapigilan ang sarili ko na gawin kung anuman yun.pero ciempre alam ko pa din kung kelan ako titigil..

.

.

.

halimbawa sa fud..kung ngayong araw na ito mamon ang trip ko,aaraw arawin ko yun..gang di ako nakahanap na pamalit o kaya gang di pa ko nagsasawa yun at yun ang kakainin ko..ang mahalaga sa akin nabubusog at nasasatisfy ako ng kinakain ko kahit na naka isang kagat lang naman ako..

tulad sa inumin…oooops hindi alak ang tinutukoy ko dito…kung may isang flavor ng juice akong natikman,yun at yun ang titimplahin ko twing makakaramdam ng uhaw ang lalamunan ko.keri lang kahit nagtitrigger pa yun ng pagbalik ng U.T.I. ko..ang mahalaga sa akin ee nasasayaran ang lalamunan ko ng masarap na juice na gusto ko at napapatid ang uhaw ko..

tulad sa music…kung ngayong araw na ito may napakinggan akong bago at magandang kanta,patutugtugin ko yun ng patutugtugin hanggang sa tenga ko na mismo ang umayaw sa pakikinig.kahit na alam kong sawang sawa na ang kasama ko sa pakikinig ee uulit ulitin ko pa din yun..ang mahalaga sa akin ay narerelax ako sa twing napapakinggan ko ang tugtog na yun..

tulad sa movie…kung may mapanood akong movie n talaga namang maganda ang kwento ee uulit ulitin ko na yun hanggang sa makabisado ko na pati ang lines ng mga extra sa palabas na yun.ang mahalaga sa akin nageenjoi ako sa panonood ko.

tulad sa pag bablog… kung naeenjoi ko ngayon ang pagsususlat di ko yun titigilan hanggang sa magsawa ako sa pagsusulat.kahit na alam kong malaki ang nagiging epekto nito sa output ng trabaho ko ee go pa din ako sa pagbablog.maaaring isara ko ng tatlo o apat na taon ang blog ko pero pihadong babalik balikan ko pa din ito at itututloy ang pagsusulat ng kahit anong tungkol sa buhay o opinyon ko.may magbasa man o wala.ang mahalaga sa akin ay mailabas ko ang mga sinasaloob ko..

.

.

.

.

tulad na lang din sa pag ibig…

~ This life is not for complaint, but for satisfaction. ~

Henry David Thoreau

Advertisements

42 mga puna (+add yours?)

  1. ELIment
    Jun 01, 2009 @ 08:17:36

    wow,, ganda..ayos to. salamat sa pagshare sa pagmuni muni mo.

    Sagutin

  2. kengkay
    Jun 01, 2009 @ 03:03:54

    hay ako ganyan din. kahit na mamutakte ako sa maga dahil sa kakakain ng hipon e may i kain pa rin ako 😀 sarap yata

    Sagutin

  3. flamindevil
    May 31, 2009 @ 10:29:58

    tulad ng pag-ibig? naks…

    basta wag ka magsasawa sa pagbablog ha. :p

    Sagutin

  4. walongbote
    May 30, 2009 @ 15:44:47

    hAHA. adik. ako din pag gusto ko ang isang bagay dapat makuha ko.. pero kung hindi ko man makuha.. maybe it’s not meant for me..ganun talaga eh..yup para ding sa blog..pero minsan nakakasawa din.. pero kung passion mo, walang salitang SAWA..

    Sagutin

  5. bernardumali
    May 29, 2009 @ 19:43:35

    mahirap kang maging kaibigan, baka maobssess ka sa kin wahahaha joke at isa akong malaking joke. nakakaadik ang pagsusulat, sa akin madali kong naoovercome ang obsession or passion sa isang bagay except sa pagsusulat. first love ko to. 😉

    Sagutin

  6. bipolarsisa
    May 29, 2009 @ 12:34:38

    nakakarelate ako. masarap kayang magpakalunod sa mga kinaaadikan. tapos magsasawa at hahanap ulit nang pagkakasawaan. nice post! 🙂

    Sagutin

  7. prinsesamusang
    May 29, 2009 @ 09:22:59

    in short passionate kang tao azul, naks!

    Sagutin

  8. yhen
    May 29, 2009 @ 09:16:01

    naks naman… iba talaga pag dating sa pag-ibg… maari talagang bumaliktad ang mundo… wahehhe…

    Sagutin

  9. Ax
    May 29, 2009 @ 09:00:46

    nakakatakot ka asul! pano pag di ka nagsawa sa boypren mo, aaraw arawin mo din?

    malaking joke! biro lang talaga!

    Sagutin

    • azul
      May 29, 2009 @ 09:10:43

      ahahahaha natawa ko dun wah..ahahahaha

      teka linawin anung aaraw arawin ba?

      Sagutin

      • Ax
        May 30, 2009 @ 01:31:27

        aaraw arawin mo ang pagbugbog sa boypren mo! malay mo lang naman.. malay natin maging hobby mo ang pagbubugbog!

        matanda na kase tayo, naiiba na ang hobby natin. hindi na laro sa kalye o computer games! hehe.

        Sagutin

  10. blurosebluguy
    May 28, 2009 @ 20:18:49

    asus…at last natagpuan ko na rin ang taong walang kasawasawa…..

    Sagutin

  11. payatot
    May 28, 2009 @ 17:02:09

    ibig sabihin lang nyan ay stik 2 one ka..di ka madali magsawa na tulad ng iba dyan na madali silang magsawa sa mga bagay na lagi nilang kinakain o ginagawa…

    Sagutin

  12. epfi
    May 28, 2009 @ 15:56:12

    bitin bitin!

    naks… pag umibig.. ineenjoy at hindi tinitigilan
    woot!

    Sagutin

  13. jonald18
    May 28, 2009 @ 14:26:44

    ..may hinlab issue sa ibaba?

    ..kaintriga aman. har har.

    ..hhhhhhhm

    Sagutin

  14. anakngpating
    May 28, 2009 @ 14:11:28

    wow ha bumabanat ng ganun hehe sa pang fud pareho tayo kanggang sa manawa hehe..
    sa music ganun din..
    sa movie ganun din ,..
    hindi kaya soulmate bff tayo hehe//
    bumanat ng ganun hehe..:)

    Sagutin

  15. orphicpixel.com
    May 28, 2009 @ 04:36:39

    mukhang pahiwatig ka sa pagblog, wag kang magsawa

    Sagutin

  16. Mon
    May 28, 2009 @ 01:42:39

    @ music part, same here.. at the moment, inu-ulit ulit kong pakinggan ang Kiss A Girl by Keith Urban

    @ pagboblog, that’s the spirit! heheh

    gud to know ur back! sensya ha, ngayon lang naka-bisita. busy tlga eh. 🙂

    Sagutin

  17. Maldito
    May 28, 2009 @ 00:02:02

    problema ko yan sa sarili ko…
    madali akong magsawa.
    sa pagkain..sa music…sa inumin..
    kahit sa pag ibig.
    ahahaha..putangenang emo.

    Sagutin

  18. lio loco
    May 27, 2009 @ 21:32:41

    ayun eh. sabi na nga ba may kicker sa bandang dulo. inlab?

    Sagutin

  19. jason
    May 27, 2009 @ 19:20:45

    parang spongebob episodes inuulit-ulit kong panuorin sa MP4 ko. Kahit paulit ulit basta enjoy.
    Korekek!!!

    Sagutin

  20. vanvan
    May 27, 2009 @ 18:52:21

    tulad na lang din sa pag ibig…

    PARANG ANG LALIM AT NITO..

    Sagutin

  21. sandi
    May 27, 2009 @ 17:50:30

    ang sarap ng leche flan… ayan ang ayaw kong tigilan kapag nasimulan ko ng tikman.. sa una isang kutsara muna..tapos may kasunod pa hanggang sa naubos ko na pala isang lyanera 🙂

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: