nilalangaw na ko…

grabe di ako makapaniwala dalawang taon na pala ako dito sa kumpanya namin..hay nilalangaw na ko dito wah…tanda ko pa dati pag kaalis na pagkaalis ko sa dati ko pinagtreyningan na kumpanya weh pinirata agad ako dito..ciempwe dahil nga sa mahirap maghanap ng trabaho ee sinunggaban ko na ang offer…di naman ako choosy sa trabaho..oks lang din sa akin kahit di kataasan ang sahod basta yung magkakasya lang sa akin ayos na yun…di  ako naghahangad ng mataas na posisyon kasi naiilang ako twing tinatawag ako na ma’am..sus ee nung bata nga ako cashier lang sa sm ang pangarap kong trabaho..parang ang cool kasi tignan yung nakaupo ka lang sa counter tas panay ang abot ng pera seo ng mga tao…di ko din naisipang maging accountant kasi galit ako sa numbers..hehe

tanda nung 1st month ko dito,isang umaga pagpasok ko meron nakadikit na BEST IN ATTENDANCE award sa humongous monitor ko..tats na tats ako nun kaya kahit isang taon na ang nakakalipas ee di ko pa din tinatanggal yun..gang ngayon nga nasa locker ko pa yun nakadikit ee.

ilang beses ko na din bang nasabi na magreresign na ako dito,pero dahil sa morning shift ako weh di ko magawang maghanap ng ipapalit na trabaho.ciempwe ayoko namang umalis sa kumpanyang ito ng wala akong nahahanap na malilipatan.mahirap na ayokong maging tambay ulit though namimiss ko ang pagiging tambay .

sabi ko din dati 3 months lang ako dito.gang sa tumawad ako..sige 6 months na…tapos nadagdag sa vocabulary ko ang 13th month pay kaya sabi ko 1 year na..gang sa eto na nga nakadalawang taon na ko dito…

di ko alam kung hanggang kelan ako tatagal dito..siguro habang kailangan nio ang serbisyo ko o kaya hanggang sa mapprove ang pag mamigrate namin sa kabilang buhay u.s. of a.

salamat kasi sa dalawang taon ng pagbabanat ko ng buto dito sa kumpanyang ito weh ang dami ko na din natutunan..aba kung hindi dahil sa kumpanyang ito hindi ako matutong magblog at hindi ko makikilala ang ilan sa mga bloogers na bagaman tila nakalimutan na ako weh kaibigan pa rin ang turing ko..hindi ako nagpaparinig..hehe

sana bigyan nio na ko ng increase kasi hindi na kasya yung binibigay nio sa akin…ahahaha at sana tumagal pa ang pagsasama natin na ciempwe nakadepende pa din sa increase na ibibigay nio sa akin..hihihi

ang trabaho ay parang isang mahabang byahe……..ang sarap tulugan!

Advertisements

32 mga puna (+add yours?)

  1. -mao-
    Jun 21, 2009 @ 20:02:18

    haizt aqø n6a weh ma6 4 yrs. na za wørk q ilan6 beses q n6 binalak ma6resi6n n6a lan6 wala aqøn6 maizip na trabahøn6 ma6anda at may malakin6 sweldø maliban za call center kazø ndi naman aqø matan66ap tan66ap. ayukø naman ma6 apply za iba, ayukø kasi baka hindi aqø ma re6ular .. 😦 ka sad wala kasi aqøn6 natapøs ei ..

    Sagutin

  2. Mon
    Jun 11, 2009 @ 08:38:59

    dalawang taon ka nang call girl? apirr tayo jan!
    – callboy

    Sagutin

  3. .poOt!
    Jun 10, 2009 @ 11:12:38

    hi azul!

    siguro mahal na mahal mo ang trabaho mo kasi hanggang ngayon eh nandyan ka pa rin.

    matagal ko na rin gustong mag-shift ng course (from BSN to Pol. Sci.) pero hanggang ngayon BSN pa rin course ko. wahekhek! siguro di ko talaga maiwan-iwan ‘tong course na ‘to kasi gusto ko yung ginagawa ko… 🙂 kaya ayun.

    takutin mo yung company mo na mag-reresign ka kung di parin nila ibibigay yung increase na gusto mo. ewan ko lang kung di sila magkanda-ugaga na ibigay sa’yo yung gusto mo. hehehe. joke lang!!!

    Sagutin

  4. prinsesamusang
    Jun 10, 2009 @ 09:13:07

    ako magsisimula pa lang sa rabaho pero pakiramdam ko masakit na ang bungo ko.

    Sagutin

  5. Ax
    Jun 10, 2009 @ 08:44:45

    hm, actually ako din. gusto ko na din maging tambay! hehe. wow, mag mi migrate ka na pala. makakakita ka na ng snow. mahahawakan mo na yun.. pero habang nandyan ka pa, eh, work muna!

    teka, bloogers talaga? 🙂

    Sagutin

    • azul
      Jun 10, 2009 @ 09:59:00

      yep bloogers po..kasi pinagsama ko yung bloociadow at bloggers..

      assuming lang na bloogers ang tawag sa mga napapadpad sa blog ko.ahehe

      Sagutin

  6. super sawsaw
    Jun 09, 2009 @ 19:36:01

    sa dati kong trabaho, from day1 patayan ang trabaho. di ko pinangarap pero akalain mo nag-enjoy ako. ayun, inabot ako ng 7 yrs hanggang mangibang bansa ako. haha.

    i-enjoy mo na lang work mo para mas madali ma-motivate mag work. pero be always open for better opportunities, di ba?

    Sagutin

  7. bipolarsisa
    Jun 09, 2009 @ 18:18:46

    naku, masarap ngang tumambay..ako, eto, tambay pa rin. haha. pero nakakatamad din minsan, at nakakapanghina. tsk.

    congrats! :0 at magkakaincrease ka din!

    Sagutin

  8. emilayskie
    Jun 09, 2009 @ 16:49:09

    Wow ayos yan! Congrats sa pag-abot mo ng dalawang taon! Naku alam na alam ko ang pakiramdam ng ganyan. Feeling ko nilulumot na ako sa kompanya ko dahil more than two years ang tinagal ko doon.

    Pareho tayo ng pag-iisip. Kahit hindi masyado malaki ang sahod basta morning shift at kasya sa mga pangangailangan ay ayos na ayos lang. Kaya kahit malaki sweldo ko dati sa call center eh hindi ko na rin natagalan eh. Gusto ko rin kasi humaba pa ng kaunti ang buhay ko. Feeling ko kasi nababawasan pag night shift. Haha..

    Galingan mo po lagi sa work mo! Sana nga ay magtagal ka pa at sana ay magkaron ka na ng increase. Hehe..

    Sagutin

  9. dencios
    Jun 09, 2009 @ 13:06:42

    wag ka mun aumalis at mahirap ang buhay. tyaga tyga muna at muka namang mahalaga ka sa kumpanya e diba? chill ka lang. bumili ka na lang ng pamatay langaw. lol

    Sagutin

  10. livingstain
    Jun 09, 2009 @ 12:43:35

    nasan ka na ba asul?

    Sagutin

  11. yhen
    Jun 09, 2009 @ 08:48:46

    wow congrats… ang mahalaga eh may natutunan ka sa loob ng dalwang taon… u work not because u are forced to do so but you work because you love to.

    😉

    Sagutin

  12. joycee
    Jun 09, 2009 @ 04:09:41

    Hihi nakarelate ako sa pagsasabing magreresign na pero hanggang ngayon eh andito pa din hihi.

    tsktsk wala talga tayong aasahang increase ngayon, himala siguro yun hihi.

    Congrats azul beybeh!

    Sagutin

  13. livingstain
    Jun 08, 2009 @ 13:50:18

    aba ang tagal mo na pala ah… naku aamagin ka na jan, punta ka sa boos mo taz sumigaw ka ng innnncccrrreeeaaassseeeee………..

    for sure tangal ka… hehehe..

    Sagutin

  14. flamindevil
    Jun 07, 2009 @ 18:41:31

    well.kaya mo yan.breathe.isa pa.breathe.

    aba kung matagal ka na dyan eh wag ka na mag resign.sayang ang loyalty award.-parang school lang-

    hehe

    Sagutin

  15. orphicpixel
    Jun 07, 2009 @ 16:06:29

    panalo yung pang huling kasabihan a, more power

    Sagutin

  16. alas
    Jun 07, 2009 @ 13:07:39

    medyo late na maligayang ika dalawang taong anibersaryo mo bilang empleyado ng kung anong kumpanya man yan na tinago mo sa pangalang “kumpanya”.

    belated congratulations din sa pagkakakuha mo ng best in attendance award nung unang buwan mo pa lang ng pagtatrabaho. sigurado akong naging malaking tulong yan para naman sa mga empleyado na laging huli pumasok gaya ko, yung parang na-inspire ba. hindi? siguro nga.

    nawa’y ma aprubahan sa lalong madaling panahon ang pangingibang bansa nyo para hindi nyo abutin ang pagiging prime minister ni PGma. (walang basehan ang mga sinasabi ko, ika nga, gutom lang ito)

    nagmamahal,
    alas

    Sagutin

  17. Reesie
    Jun 07, 2009 @ 01:53:35

    ang trabaho ay parang isang mahabang biyahe, ang sarap na hindi gumising..lol

    2 years na din ako sa companya ko sa monday! parang kailan lang… sana may raise at bonus ako this month. lol

    Sagutin

  18. hitokirihoshi
    Jun 06, 2009 @ 20:48:22

    hi azul!

    nakatawag pansin sa akin ang title mo ha.

    anyway, parang nakaka-relate ako sa sentimyento mo rito. pero tama siguro tayo, wag muna resign hanggat ala pang malilipatan. mas nakaka-langaw siguro ang walang ginagawa, wala pang pera.

    hhehee , mabuhay!

    Sagutin

  19. TSI
    Jun 06, 2009 @ 17:33:34

    ok yan mag ipon ka ng experience and then saka ka mag divert..good for you 🙂

    Sagutin

  20. Philmor
    Jun 05, 2009 @ 22:14:38

    pareho tayo ayoko ring lumipat ng work kasi wala pa akong malilipatan… kaya heto daig ko pa ang nasa loob ng bahay ni kuya 😉

    Sagutin

  21. lio loco
    Jun 05, 2009 @ 21:43:42

    ang trabaho ay parang isang mahabang byahe……..ang sarap tulugan! >>> maliban na lang kung ang trabaho mo eh taga-testing ng trust quality condom. wahehehe.

    lumabas sa lungga para magbloghopping sa mga kawavelength. kbye!

    Sagutin

  22. epfi
    Jun 05, 2009 @ 20:46:08

    2 yrs na sa work
    pero bakit walang auto increase?

    hmmm,.. kelangan ba kita i-congrats?
    ehehe

    i heart the last line – sarap tulugan ng trabaho
    wahaha

    Sagutin

  23. blurosebluguy
    Jun 05, 2009 @ 20:33:28

    aba eh dapat pala palakpakan ka ha …..2 years na kaya…..

    Sagutin

  24. sandi
    Jun 05, 2009 @ 20:05:14

    inkris granted 🙂

    kaso hindi ako ang boss mo eh.. kaya tiis tiis ka muna..hehhe ( joke)

    sana nga mainkrisan ka na..

    Sagutin

  25. Winkie
    Jun 05, 2009 @ 19:41:53

    aba at may migration plans ka pala! ang taray naman! sama mo ko ha… kahit isilid mo na lang ako sa luggage, hehehe!

    bongga ang last statement… natawa talaga ako! oo nga, minsan ang sarap talaga tulugan! hehehe!

    Sagutin

  26. ELIment
    Jun 05, 2009 @ 19:32:27

    aba 2 yrs..mahaba haba na yan. yong iba nga 2 mos lang eh. hehe. minsan ang trabaho nakakasagabal sa mga gawain pampasaya tulad ng paggala, at iba pa. pero kailangan kase natin ito eh.

    natawa ako sa quote mo sa hulihan..hehe magdala ka kaya ng unan :-).

    Sagutin

  27. jason
    Jun 05, 2009 @ 17:53:07

    ayos lang yan. hanggang kaya mo pa at hindi ka pa nagigipit, dyan kamuna.
    isipin mo na lang yung mga pinagsamahan nyo dyan, yung natutunan mo, eheheh

    pero kung may masmalaking offer ang kabila, dun ka na wala ng isip isip pa. hahah

    Sagutin

  28. kengkay
    Jun 05, 2009 @ 17:24:53

    wala bang automatic increase every year?

    Sagutin

  29. azul
    Jun 05, 2009 @ 15:43:04

    lakas makasira ng mga plano ang trabaho nuh…ahehe

    Sagutin

  30. anakngpating
    Jun 05, 2009 @ 15:37:01

    well pareho tayo ulit hehe kakaisang taon ko lang kahapon dito hehe..hindi ako nag celeb..basta isang taon lang ako hehe..

    namiss na rin ang pag tambay na walang trabaho at pera hehe..wah kaylan kaya ulit mangyayari un hehe..

    sarap talaga matulog hehe petiks ako..kasi nagbabantay lang ako ng training ko hehe…
    bukas sa bahay ako..

    sayang abay sana ako sa kasal ng friend ko sa sunday hindi ako nakahabaol hehe,..badtrip na sched kasi…

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: