almost goodbye…

kaninang umaga sirang sira na  talaga ang araw ko.

bakit kamo?

 

 

wala pang alas siete gising na ako kaninang umaga..kahit antok na antok pa ko kailangan ko ng bumangon para lang makaiwas sa mga kapwa ko pasahero na nagaabang ng jip at fx sa kanto namin papuntang mrt..

wala pang alas siete y medya nakaalis na ko ng bahay at nasa kanto na namin..wala maxadong pasahero ang nakatambay at meron na agad fx pero di ako sumakay agad.bukod kasi sa maaga pa ee wala pang sakay yung fx.nagbakasakali akong may dumaan na fx na magsasakay..pero walang dumating kaya napilitan na akong sumakay sa fx na nakaparada malapit lang sa akin..ilang minuto pa ang hinintay ko bago nakaalis yung sinakyan kong fx.okei naman ang byahe.pero pag lagpas ng konti sa congressional,samay u turn slot, nagkaroon ng maigsing traffic.dun pa lang mejo kinabahan na ako kahit na alam kong maaga pa naman…paglaggpas sa congressional ee tuloi tuloi na ang byahe namin..natraffic na lang ulit ako nung malapit na kami sa trinoma pero araw araw naman traffic dun kaya hinayaan ko na.buti na lang at saglit lang kami dun.maya maya di pa kami nakakalagpas ng sm north edsa ee sinasalubong na kami ng traffic..traffic na abot hanggang trinomadito na magsimulang uminit ng bonggang bongga ang ulo ko..mula sa bahay namin papuntang mrt 10-15 minutes lang ang byahe at dahil sa nga sa kadalasang traffic sa dinadaanan ko weh ianaabot ako ng 20-30 minutes makarating lang sa mrt.pero iba ang traffic kanina.inabot ako ng 20 minutes mula sm hanggang mrt..deymn!anung petsa na nun..binibilang ko ang oras..kung makasakay ako ng train ng 8.30 o 8.40 alam kong aabot pa ako sa ofis dahil willing akong tumakbo mula mrt ortigas gang emerald ave wag lang malate.

habang nasa fx wala na kong tigil sa pagdadasal na sana wala maxadong tao sa mrt at sana makasakay ako agad..pero deymn ulit!hindi umaayon sa akin ang panahon.pagdating sa mrt kalahati ng edsa ang sakop ng mga taong nakapila sa baba ng mrt..dito na nangilid ang luha sa mata.gusto ko ng balyahin ang lahat ng taong nakaharang sa harap ko pero di ko magawa.nasa may escalator na ako ng biglang mag stop entry ang bwisit na mrt.gagawa na sana ako ng eksena.gusto kong sumigaw o magmura pero natigilan ako ng biglang nagmura ng pasigaw yung lalaki sa harap ko..naisip kong moment nia yun kaya pinaubaya ko na sa kanya ang pagmumura at pagsigaw.

 

at sa wakas narating ko din ang flatform kung saan pwede kong hintayin ang tren na magdadala sa akin sa ortigas..ayun may tren na.pero ang tagal nia.napakabagal umusad na para bang tatlong tao lang ang nagtutulak sa tren..aaaargh!nagmamadali na ako tapos nag skip pa yung train sa next station.kinailangan na namang maghintay para sa sususnod na train.ma dumating at kahit napakapakan na ang paa ko ee pinilit ko pa din na makapasok sa loob ng train.habang nasa byahe gusto ko ng magwala dahl pakiramdam ko sinasadya ng drayber ang pagmamamabagal para malate ako..sobrang bagal ng train namin sumasabay sa traffic sa kalsada.eeksena na din ako dapat..nakaready na ang isang malakas na HAAAAAAY ko pero tek may umepal naman at inagaw ang badtrip moment ko.kaya pinaubuaya ko na ulit sa kung sino mang mangaagaw yun.wala na kong ibang nagawa kundi ang tahimik na umiyak habang nakatayo sa loob ng siksikan na train at nakatago sa jacket ang mukha(ciempwe ayokong makita ng madlag pipol ang pag iyak ko..

 

pagbaba sa train tumakbo agad ako..saka ko lang na realize na hindi na talaga ako aabot at mawawalang na ttalaga ako ng trabaho..

 

habang naglalakad ako tinext ko na si siopauQ at mamaQ  na wala na akong work..mabuti ng malaman nila agad di ba?

 

pagdating sa ofis di ako makausap.nakita ako ng hr managaer namin.alam kong gusto nia akong i-approach pero dahil sa pagkaksimangot ko ee hinayaan na lang nia ako.

 

 

pag upo ko sa post ko naisapan kong iblog ang nangyari sa akin..

isa ulit deymn moment!

di ko maccess ang blog ko..

 

nakalimutan ko password ko..nireretrieve ko pero nageerror lang..dun ko naisaipang gumawa na lang ng bagong blog.

 

 

pag uwi ko ng  bahay kumain ako.nanood ng tv..inayos ang report ng pinsan ko at nag ayos ng resume na ipapasa ko sa tito ko.nag ym dinpala ako at bti na lang naisapan kong subukang iretrieve ulit ang password ng bloociadow.wordpress.com…ang huwalaaaa!eto at natrieve ko na.

 

atleast kahit papano may magandang nagyari din sa araw ko.masaya na din ako although kinakabahan pa din ako lalo  pa’t alam kong any moment ee kakakilanganin kong iiwan ang kumpanyang pinapasukan ko..haaaay ganun talaga…

 

 

ang asim ng buhay…

Advertisements

12 mga puna (+add yours?)

  1. shynyrd
    Aug 01, 2009 @ 07:09:35

    hmmm, owkie lang po yan….

    lesson learned na lang…

    umalis ng 2 oras sa bahay bago ang takdang oras ng pagpasok. ahehehe..

    di po yan, siguro naman, considerate enough sila..
    teka ilang late ka na ba?

    padaan..

    don’t be sad..

    malay mo, way yan para makahanap ka ng bagong work na mas maganda.. ahehehe

    Sagutin

  2. Ax
    Jul 31, 2009 @ 10:37:25

    ah, ito pala ang nangyari. tsk.

    Sagutin

  3. blurosebluguy
    Jul 31, 2009 @ 05:53:04

    pero sa isang banda….wag mawalan ng pag-asa…

    Sagutin

  4. blurosebluguy
    Jul 31, 2009 @ 05:52:12

    nakikicompassion ako sa sinapit mo azul…hmmm..

    Sagutin

  5. Chimmie
    Jul 31, 2009 @ 03:05:45

    mainet pala ulo mo. sana naman oki lang ako mapadpad deto at makipag link ex? hihi

    Sagutin

    • azul
      Jul 31, 2009 @ 09:02:05

      ahmmm pag nakabalik ka na ulit dito i add na kita huh..nadala na kasi ako sa mga makikipag exchange links lang pero di na bumabalik..

      meanwhile, bibisita na lang din ako sa page mo..

      Sagutin

  6. kikayness/rhona
    Jul 31, 2009 @ 01:07:51

    oo nga neng, warning muna…tapos kelangan mo muna ekplain…tapos tsaka pa lang sila magbababa ng decision….

    …ay sori nameyn, umaandar pagka-etch-ar ko….mwahahahahaha

    Sagutin

  7. Mon
    Jul 30, 2009 @ 23:48:36

    relax lang azul. hinga malalim. hehe
    di ka pa naman seguro i-teterminate kasi di ba dapat warning muna? o kaya suspension. hehe

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: