biyernesanto eksperiyins

nung bata pa ako tuwing holy week hindi pwedeng hindi kami uuwi sa probinsya namin sa la union….ako,si kuya,si papa,at si uncle… wala lag tamang pahinga lang..sobrang penitensya na sa amin ni kuya yun kasi bukod sa hindi pa uso ang tv sa kanlia wala naman kaming makalaro kasi bawal daw ang magsaya patay si papagod…at saka hindi rin namin maintindihan yung mga bata dun kasi nag iilokano sila..that time ang alam lang namin na ilokano word eh “haan” na ang ibig sabihin ay hindi sa tagalog..

ngayong medyo matanda hindi na ako bata hindi na ako nakakauwi ng probinsya…well nagsimula lang naman yun nung nagkawork ako… at pag ganitong di ako nakakauwi s province namin pakiramdam ko isa akong hudyo… nasa trabaho nakikipag murahan  nakikipagsaya sa mga kano at kanang kliyente… pero nitong nakaraang biyernesanto mejo nag iba ang araw ko…well nung umaga normal na araw lang..pumasok ako sa work..nakipagutuan sa mga customer..nung makauwi ako sa bahay nagready agad kami ng uulamin namin sa gabi..pumunta ako sa kanto namin kung saan merong micro mini na palengke..ayun wala akong napala sarado ang tindihan…patay! wala kaming kakainin…ubos na ang mga delata ko..may natitira pang dalawa kaso hindi naman yun pwede dahil karne yun..so nagpunta pa kami ng kapatid ko sa kapatagan para mamili ng ulam…

solve may pang ulam na kami kailangan na lang namin lutuin…nakapagsaing na din si ate..ulam na lang talaga ang kulang…ang menu for the daY gatang sitaw at kalabasa…naigisa ko na ang mga sibuyas kamatis bawang at sitaw…at nagsisimula na kong magpakulo ng gata ng mapansin kong pahina ng pahina ang apoy..sinabihan ko agad ang kapatid ko na hanapin yung # ng nagdedeliver ng gas…tumawag ako sa unag number..tek!walag sumagot ..sumubok ako ng ibang number…may sumagot..babae tantiya ko nasa edad 35 na iya..ayun ang saya sarado daw sila at nasa probinsya..patay na naman …dalidali kong inutusan ang kapatid ko para maghanap ng uling..mabilis namn siyang naghanap ng mabibilhan…habang wala siya napagpasyahan kong iready na ang paglulutuan..pagdating niya ayun..walang uling …walang gas…

patay na talaga kami neto..pero hindi pa rin kami sumuko…biklas ng kapatid ko ang kisame sa likod bahay…well malapit na din kasing masira yun…yun na lang daw ang gagamitin niang panggatong..okei solb na yun kailang n lang namin ng gas…at dahil wala kaming gas yung pabango ko na lang ang ginamit nia para magliyab ang mga “panggatong” namin..

ayun naging succes din ang pagluluto namin after 2hours..ang kinalabasan?

pinakamasarap na GINATAANG SITAW AT KALABASA para sa amin…

pinaka masarap na gatang sitaw at kalabasa para sa amin