biyernesanto eksperiyins

nung bata pa ako tuwing holy week hindi pwedeng hindi kami uuwi sa probinsya namin sa la union….ako,si kuya,si papa,at si uncle… wala lag tamang pahinga lang..sobrang penitensya na sa amin ni kuya yun kasi bukod sa hindi pa uso ang tv sa kanlia wala naman kaming makalaro kasi bawal daw ang magsaya patay si papagod…at saka hindi rin namin maintindihan yung mga bata dun kasi nag iilokano sila..that time ang alam lang namin na ilokano word eh “haan” na ang ibig sabihin ay hindi sa tagalog..

ngayong medyo matanda hindi na ako bata hindi na ako nakakauwi ng probinsya…well nagsimula lang naman yun nung nagkawork ako… at pag ganitong di ako nakakauwi s province namin pakiramdam ko isa akong hudyo… nasa trabaho nakikipag murahan  nakikipagsaya sa mga kano at kanang kliyente… pero nitong nakaraang biyernesanto mejo nag iba ang araw ko…well nung umaga normal na araw lang..pumasok ako sa work..nakipagutuan sa mga customer..nung makauwi ako sa bahay nagready agad kami ng uulamin namin sa gabi..pumunta ako sa kanto namin kung saan merong micro mini na palengke..ayun wala akong napala sarado ang tindihan…patay! wala kaming kakainin…ubos na ang mga delata ko..may natitira pang dalawa kaso hindi naman yun pwede dahil karne yun..so nagpunta pa kami ng kapatid ko sa kapatagan para mamili ng ulam…

solve may pang ulam na kami kailangan na lang namin lutuin…nakapagsaing na din si ate..ulam na lang talaga ang kulang…ang menu for the daY gatang sitaw at kalabasa…naigisa ko na ang mga sibuyas kamatis bawang at sitaw…at nagsisimula na kong magpakulo ng gata ng mapansin kong pahina ng pahina ang apoy..sinabihan ko agad ang kapatid ko na hanapin yung # ng nagdedeliver ng gas…tumawag ako sa unag number..tek!walag sumagot ..sumubok ako ng ibang number…may sumagot..babae tantiya ko nasa edad 35 na iya..ayun ang saya sarado daw sila at nasa probinsya..patay na naman …dalidali kong inutusan ang kapatid ko para maghanap ng uling..mabilis namn siyang naghanap ng mabibilhan…habang wala siya napagpasyahan kong iready na ang paglulutuan..pagdating niya ayun..walang uling …walang gas…

patay na talaga kami neto..pero hindi pa rin kami sumuko…biklas ng kapatid ko ang kisame sa likod bahay…well malapit na din kasing masira yun…yun na lang daw ang gagamitin niang panggatong..okei solb na yun kailang n lang namin ng gas…at dahil wala kaming gas yung pabango ko na lang ang ginamit nia para magliyab ang mga “panggatong” namin..

ayun naging succes din ang pagluluto namin after 2hours..ang kinalabasan?

pinakamasarap na GINATAANG SITAW AT KALABASA para sa amin…

pinaka masarap na gatang sitaw at kalabasa para sa amin

 

 

anune?????

huh?!?

sino ka?!?

sino kayo?!?

nasaan ako??

sino ako?!?

.

.

.

.

aheks ayun nabuhay ulit ako..wala lang bigla ko lang namiss ang pagbablog nung magbasa ako ng blog ni ate rhonz hehe…

anu na nga ba ang balita sa akin?

ayun nagkawork na ko ulit sa isang ng kulsintir…

madalas na puyat at bangag makipagusap sa mga amrikanong wala ng ibang ginawa kung hindi ang humingi ng humingi ng load sa akin..nakakasawa nakakangarag.tapos ang init pa..

tapos na din pala kaming magswimming ng kapatid kong si ong at ni siopauQ..at oo tama ang nabasa mo kami pa din ni siopauQ ko hanggang ngayon…3 lang kami nagswimming sa isang secluded na reort sa sta maria..nung una akala ko di kami mageenjoi..pero masaya pa din naman pla.biglaan lang din yung swimming na yun.literal na hindi kami makatulog ng utol nung gabi kaya naisip kong mag aya maggswimming..kaya ayun kinabukasan kait wala kaming tulog gora kami para makidayo ng langoy.kinabukasan siempre absent ako.hehe

adbans hapi 25th monxarie ngapala siopauQ!yabyu!*kindat* yihee!

at ang madalas ko nga pla pagkaabalahan ngayon ee ang pagbababsa ng pocketbooks..ung tagalog na romantic comedy.at wala pong halung makamundong pagnanansa yun..try nio rin basahin…ahmmm series ng stallion riding club..hehe wafakels kung baduy cia at least naaaliw ako..

nagpaplano dinkami ng utol ko na magswimming before march ends kaya langako ang pinasasagot nia ulit..this time kasama na namin ang pemili ko..good luck na lanag sa init ng araw.

pati sa side ni siopauQ kinaaya din akong magswimming..maygad!ganun na ba ako ka-ot ngayun?bwahahahaha

napansin nio bang  parang nagmamadali akong magkwento saka labo labo yung topic ko?hehe wala lang hindi ko din alam kung bakit ganito siguro nasanay lang ako dahil sa araw araw na calls ko na lang na lang minamadali.hehe

o panu next time nalang ulit..salamat pala sa mga araw araw pa din na dumadalaw sa blog ko kahit di na ko nag update.gusto ko sanang banggitin ang pangalan nio kaso wala naman talagang dumadalaw.bwahahaha.

o cia cia  cia.paalam na hanggang sa muli…

CHAO!

tunay na lalaki???

BABALA:

ang entry na ito ay puno ng galit!wag nio akong husgahan lalo’t hindi nio alam ang napagdaanan ko

.

.

.

aluy!hehe

.

.

.

—————————————————————————————————

matagal na ng huli kitang bigyan ng sulat hayskul pa yata ako nun.ngayong may trabaho na ko ngayon na lang ulit ako gagawa ng sulat para sayo..alam kong malabo mong mabasa ito wag mo sanang isipin na yun ang dahilan kung bakit ko naisipang gumawa ng ganito..wala lang,ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob buhat nung huli tayong mag away.saka lapit na kasi yata ang father’s day.pacencia na kung limot ko na kung kelan yun.matagal na kasing nabura sa vocabulary ko ang mga salitang yan.muntik ko na nga ding makalimutan na may tatay pa ako,buti na lang napapaalala sa akin yun ni mama twing umuuwi ako ng bulacan.

nabasa mo yung title ng entry ko?tunay na lalaki ang nakalagay.oo kaw ang tinukoy ko dun.yun nga lang hindi ko alam kung pano ko papatunayan na lalaki ka talaga gayung hindi mo naman kami kayang panindigan. ilang beses mo kaming pinabayaan para sa sarili mong kaligayahan. ganun nga yata talaga ang mga lalaki.

gusto kong ilabas lahat ng sama at sakit ng loob na kinikimkim ko dito sa puso ko..sabi kasi nila pagnalabas daw yun saka lang matuto ang puso natin na magpatawad…sabi din nila kung ang Maykapal marunong magpatawad tayo pa kayang mga tao..ang problema nga lang tao ako..ndi ako kasing galing Nia para madaling mabura sa puso ko ang anumang bakas na iniwan mo sa nakaraan ko..nakaraan na pilitin ko mang tawanan ee di ko magawa.kelan lang napag usapan namin ni siopauQ yung childhood ko…ayun sumakit ang lalamunan ko kakapigil sa sarili ko na maiyak habang inaalala ko ang mga napgdaan ko noon. agos ang luha ko habang naalala ko lahat yun. awa ang naramdaman ko sa sarili ko,hindi dahil sa naranasan ko sayo kundi awa dahil kahit ganong kasaya pa ang nararadaman ko twing kasama ko ang mga mahal ko ee hindi pa rin mapalitan ang sakit na idinulot mo sa akin at sa dating buo na pamilya natin..

wel sabagay kung hindi kami pumayag na makipaghiwalay si mama sayo edi sana buo pa ang pamilya natin..pero di ko pinagsisishan na pumayag ako kasi mas gusto ko na yung hiwalay kayo kesa yung magkasama nga minuminuto naman ang bangayan.ayos na sa akin na hindi ka makasama sa bahay kasi kahit naman noong kasama ka pa namin hindi ko rin maramdaman na may tatay ako.

alam mo ba naiinggit ako hanggang ngayon pag yung mga kaibigan ko o kaya mga kapwa ko blogger ee malapit sa tatay nila.yung pag gumagawa sila ng entry para sa tatay nila ee nararamdaman ko talaga na mahal na mahal sila ng tatay nila base sa mga kwento nila.hindi naman lahat ng pinagsamahan natin sa loob ng 16 na taon ee puro sama ng loob.ciempwe meron din mga nakakatats na pangyayari..yun lang natabunan lahat ng sama ng loob yun..

nung maghiwalay kayo ni mama sagad hanggang kuko ang inis ko ng maisipan mong magbagong buhay.alam ko dapat matuwa kami kasi sabi mo nga di ba pinipilit mong magbago para sa amin kaso dapat ba talaga mawala kami bago ka magbago? hindi ba dapat noon mo pa ginawa yun para di na umabot sa hiwalayan?sabagay sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi…

gayunpaman salamat pa din at binuhay mo kami.salamat kasi ngayon kahit papano napaparamdam mo na mahalaga kami o ang mga kapatid ko.salamat din kasi kahit na pinoportray mo na siga ka ee hindi ka pa din nahihiyang umiyak sa harap ko ,humingi ng tawad sa mga pagkukulang mo at aminin na nagkamali ka. hindi man iyon sapat para tuluyang mabura ang mapait n alaala mo sa akin naging sapat na batayan naman yun para tawagin kitang tunay na lalaki..

para sa akin ang tunay na lalaki ay hindi natatakot na ipakita na mayroon din ciang softside..

hinid ko alam kung tama bang batiin kita ng hapi father’s day matapos kong ilabas ang sama ng loob ko kaya di na lang kita babatiin…

————————————————————-

Dance With My Father


Back when I was a child, before life removed all the innocence
My father would lift me high and dance with my mother and me and then
Spin me around ’til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved
If I could get another chance, another walk, another dance with him
I’d play a song that would never, ever end
How I’d love, love, love
To dance with my father again
When I and my mother would disagree
To get my way, I would run from her to him
He’d make me laugh just to comfort me
Then finally make me do just what my mama said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me
If I could steal one final glance, one final step, one final dance with him
I’d play a song that would never, ever end
‘Cause I’d love, love, love
To dance with my father again
Sometimes I’d listen outside her door
And I’d hear how my mother cried for him
I pray for her even more than me
I pray for her even more than me
I know I’m praying for much too much
But could you send back the only man she loved
I know you don’t do it usually
But dear Lord she’s dying
To dance with my father again
Every night I fall asleep and this is all I ever dream

———————————————————————-

never pa kitang nakasayaw..pero gusto ko pa din na maranasang maisayaw mo ako kahit 1 minute lang…isa yan sa mga pinapangarap ko pati na rin ang tuluyan kang mapatawad..libre lang naman mangarap di ba?

———————————————————————

ang entry na ito ay para na rin sa kontes ni otep

perfect fan

bihira man akong muwi at magtext sayo alam kong alam mo kung ganu kita kamahal at kung ganu ka importante..di ako palaging makauwi jan kasi nakakahomesick..alam mu yung dalawang araw akong masasanay na kasama kayo tas isang linggo akong nangungulila sa  presensya nio..ang hirap..lalo pa lagi akong mag isa sa bahay..uuwing pagod at walang makausap ..magkakasakit at gagaling ng walang nag aalaga..hirap talaga pag malayo ako sa inyo..

sa ngayon di ko pa din alam kung anu magandang pasalubong sayo pag uwi namin ni siopauQ jan sa linggo..sana masarap ulam nun..hihi kasi wala akong planu na sabihin sayo yung pag uwi ko..surprise ika nga.hehe

ayoko na lagyan ng maxadong drama tong entry ko na ito kasi nasasabi ko naman mga gusto kong sabihin sayo pag magkausap tayo sa fon saka pag katext kita..basta kitakits sa sunday..

haylabyuso…

ay ma tanda mu yung lagi kong pinapatugtog dati nung hayskul ako..yung sabi ko sayong para sayo..eto na yung lyrics woh..hehe advance HAPPY MAMA’s  DAY!

Perfect Fan

It takes a lot to know what is love
It’s not the big things,but the little things
That can mean enough
A lot of prayers to get me through
And there is never a day that passes by
I don’t think of you
You were always there for me
Pushing me ang guiding me
Always to succeed

You showed me
When I was young just how to grow
You showed me
Everything that I should know
You showed me
Just how to walk without your hands
‘Cause mom you always were
The perfect fan

God has been so good
Blessing me with a family
Who did all they could
And I’ve had many years of grace
And it flatters me when I see
A smile on your face
I wanna thank you for what you’ve done
In hopes I can give back to you
And be the perfect daughter

You showed me
When i was young just how to grow
You showed me
Everything that I should know
You showed me
Just how to walk without your hands
‘Cause Mom you always were
The perfect fan

x’s

ayun wala tuloi akong pic na maidisplay dito..ang arte mu kasi ee ayaw magpapiktyur..alam kong matagal mo ng tinalikuran ang pag aartista..don’t wori di ko naman bibigay piktyurs mo sa mga talent scout ee.okie?!

selphie caithsith

nung tuesday night pag uwi ko ng bahay dinatnan kong natutulog sa sofa ko si selphie tas yung kapatid ko nagsasaing..bongga sarap pala ng feeling na uuwi ka sa bahay at may dadatnan kang tao…dumalaw kasi sila sa akin..dahil dun napagdisisyunan kong wag ng pumasok kinabukasan.nagdahilan na lang ako na may diarrhea na sa kamalas malasan ee nagkatotoo nga..toinks…

so ayun pagdating ko ginising na ni braderdir si selphie at nagkulitan na kami…natutuwa naman ako sa banat ng pamangkin ko sa akin..super bonding kasi kami..eto ang mga banat nia

 

selphie:ninang ang tagal mo naman ee nakatulog tuloy ako …

ako:sori bhe,dami kasi tao sa hemarti kaya natagalan akong umuwi…

selphie:haaay sa sususnod isama mo na lang ako sa opis mo para di ako maghintay sayo huh?!

ako:opo!

habang nakikinig kami ng mp3 sa cp ko…

selphie:ngak bakit yan na naman yung tugtog?anu bayan?

ako ee kasi nga 2 pa lang kanta ko sa cp kaya nga tayo nagdodownload di ba?

selphie:u cge..gusto ko yng i am an emo…saka love story…saka womanizer…saka disturbia…

ako:opo!

habang pinapakinggan namin yung womanizer…

selphie: bakit may a a pa?

ako:(natawa )hunga noh!

habang nanonood kami ng korea nobela at umiiyak ang bida…

selphie:ninang emo ba cia?

ako:opo!

 

 

ilan lang yan sa mga hirit ng bebeko sa akin…3yrs old pa lang cia nian pero matatas na magsalita..bulol pa din cia sa letter L pero madaldal…

 

ako:sabihin mo bintilador

selphie: bintiyadorrrrr

ako:ruler

selphie:ruyerrrr

braderdir: lalola

selphie:(tumingin sa may pinto with matching palumbaba at buntong hininga)

minsan iniisip ko kung ilang taon na ba talaga si selphie..daig pa nia ang 7 taong gulang na bata kung mag isip..tanda ko pa nung magtatatlong taon pa lang cia.pumunta cla ng momi at dadi nia sa bahay ko para dumalaw…twing pumupunta cia sa akin gustong gusto niang umakyat sa kwarto ko at maglulundag sa kama ko..nung minsang wala ang momi at dadi nia naiwan cia kay mamaKo..isinama cia ni mama sa bahay ko at asusual diretso ulit sia sa kwarto ko..habang nagbibihis ako ciempwe kinamusta ko sia…

ako:gud gel ka ba?

selphie:opo!

ako:asan si dadi?

selphie:nasa skul nag aaral…

ako:aa ee si momi nasan?

selphie:nasa bahay nagtutuping damit namin.

ako:bakit di mo sinama?

selphie:ee kasi aalis pa cia..maghahanap cia ng trabaho kasi wala na kaming pera.

ako:ganun ba..dapat di ka na nagdododo..

selphie:opo!ndi na nga po.bibigay ko na lang kay reika yung milk ko kasi wla ciang milk saka para tipid na si dadi.

ako:(natats)

naisip ko na lang ang bata pania pero may alam na tungkol sa kahirapan..haay!gusto ciang bigyan ng magandang kinabukasan..kaya nga plano ko pagnakatapos na ng pag aaral mga kapatid ko sisimulan ko ng kumuha ng educational plan para sa kanya.parang tulong ko na din sa kuya ko yun…

si selphie caithsith ang unang baby ng pamilya namin..di man namin kayang tustusan lahat ng mga gustuhin nia sinisigurado ko naman walang magpapabaya sa kanya..lahat ng pagmamahal at pag aaruga na kailanagan nia kahit di nia hingiin paniguradong makakatamnan nia…

 

bebeko,

 lagi kang magpapakabait huh.wag matigas ang ulo.pagkasahod ko punta ka ulit sa bahay tapos bibili tayo ng madaming madaming halo halo.at ngaps madami na kong kanta sa cp ko.4 na ahaha.magdownload na lang ulit tayo pagpunta mo.

bebe sana lumaki kang hindi pasaway.sana maisip mo yung mga paghihirap namin maibigay lang yung mga bagay na makakapagpasaya sayo..wag kang tutulad kay dadi huh patay ka sa mga tito at ninong mo pagnag asawa ka agad ng di nakakatapos.at si baby crisalee ,alam kong cute cia pero wag mu aman panggigilan..baby pa yun di pa makakaganti sayo yun..saka mo na saktan pag big gel na din cia para mas exciting ang laban..uki?!

ilang saglit na lang magaaral ka na..magpakabait ka sa iskul..wag mangaaway ng klasmeyt at makinig sa teacher.higit sa lahat mag aral ka ng mabuti.

love you bhe…kita ulit tayo next week…

nagmamahal,

ninang/bhe

a sweet fight

gf: ayoko na talaga!dadalhin ko na lahat ng akin,hindi na ako babalik!

 

 

bf:hoy babae!may nakalimutan ka!

 

 

gf: ano?!?!

 

 

 

 

 

 

bf:AKO c:

 

 

 

hehe okei na po kami…infact sinundo nia ako nung sat.kala ko hahatid lang nia ko yun pala sasamahan nia ko du..ayun mega bonding sila hindi ako..uu itsapwera po ako kuya cesar..sila selphie, mama, papa(na first time niang nameet kasi lagi syang wala evreytime pumunpunta si siopauQ sa bulacan *hiwalay na kasi sila mama at papa*) ecoi at jonas ee si siopauQ ang inintindi hindi ako…pero okei lang mas mabuti yung ganun mag get know sila ng bonggang bongga..hehe ayus talaga ang weekend ko..mejo bitin pero sulit kahit nilimas nila ang pitaka ko…

noon at ngayon…

NOON

pag maganda ligawan mo na agad.

NGAYON

pag maganda,titigan mo muna baka bakla.-Rustom Padilla/Bebe Gandanghari

NOON

konti lang ang lalaking gwapo

NGAYON

konti na lang ang gwapo na tunay na lalaki…-Piolo and Sam

NOON

pag gwapo babaero…

NGAYON

pati mga panget babaero na din…-Manny Pacquiao

 

 

ahaha uu nga naman…dami na talaga pinagbao ng panahon ngayon…bukas babalik ulit ako sa bulacan.wala dadalaw lang at makikilaba .matagal na din aksi akong hindi nakakauwi dun saka kamustahin ko na din ang bagong prinsesa sa buhay ng aming pamilya si baby CHRISALEE GENOVA…at pagagalitan ko na din ang mga taong(read:mga utol at mama ko) na nang aapi sa original bebeko at ate ni genova .si SELPHIE CAITHSITH cia yung nasa avatar ko..o diba kuyutipay cia.mana sa *ehem* ninang..ahaha

 

naku anu na kaya ang mga pinagbago ng  nagbalon marilao bulacan specifically ng bahay namin..mga 2months din akong di nakabisita dun..parang ang tagal weh noh…

 

pagdating ng bahay mega impake agad ako ng mga maruruming damit ko..yes marumi kasi po sira ang washing machine ko.yung mismong tub ang sira kea di na kaya ng powers ko yun di bale sana kung simpleng short circuit lang yun weh..

 

hahay sayted na ko sa aking pagbabalik kahit na 1 araw lang yun..hakhak

 

 

 

 

p.s

psssst mamayow di ko na po cia kasama..wag mo ng tanong kung bakit..pagluto momko papaitan huh…(bitter?!)

Previous Older Entries