biyernesanto eksperiyins

nung bata pa ako tuwing holy week hindi pwedeng hindi kami uuwi sa probinsya namin sa la union….ako,si kuya,si papa,at si uncle… wala lag tamang pahinga lang..sobrang penitensya na sa amin ni kuya yun kasi bukod sa hindi pa uso ang tv sa kanlia wala naman kaming makalaro kasi bawal daw ang magsaya patay si papagod…at saka hindi rin namin maintindihan yung mga bata dun kasi nag iilokano sila..that time ang alam lang namin na ilokano word eh “haan” na ang ibig sabihin ay hindi sa tagalog..

ngayong medyo matanda hindi na ako bata hindi na ako nakakauwi ng probinsya…well nagsimula lang naman yun nung nagkawork ako… at pag ganitong di ako nakakauwi s province namin pakiramdam ko isa akong hudyo… nasa trabaho nakikipag murahan  nakikipagsaya sa mga kano at kanang kliyente… pero nitong nakaraang biyernesanto mejo nag iba ang araw ko…well nung umaga normal na araw lang..pumasok ako sa work..nakipagutuan sa mga customer..nung makauwi ako sa bahay nagready agad kami ng uulamin namin sa gabi..pumunta ako sa kanto namin kung saan merong micro mini na palengke..ayun wala akong napala sarado ang tindihan…patay! wala kaming kakainin…ubos na ang mga delata ko..may natitira pang dalawa kaso hindi naman yun pwede dahil karne yun..so nagpunta pa kami ng kapatid ko sa kapatagan para mamili ng ulam…

solve may pang ulam na kami kailangan na lang namin lutuin…nakapagsaing na din si ate..ulam na lang talaga ang kulang…ang menu for the daY gatang sitaw at kalabasa…naigisa ko na ang mga sibuyas kamatis bawang at sitaw…at nagsisimula na kong magpakulo ng gata ng mapansin kong pahina ng pahina ang apoy..sinabihan ko agad ang kapatid ko na hanapin yung # ng nagdedeliver ng gas…tumawag ako sa unag number..tek!walag sumagot ..sumubok ako ng ibang number…may sumagot..babae tantiya ko nasa edad 35 na iya..ayun ang saya sarado daw sila at nasa probinsya..patay na naman …dalidali kong inutusan ang kapatid ko para maghanap ng uling..mabilis namn siyang naghanap ng mabibilhan…habang wala siya napagpasyahan kong iready na ang paglulutuan..pagdating niya ayun..walang uling …walang gas…

patay na talaga kami neto..pero hindi pa rin kami sumuko…biklas ng kapatid ko ang kisame sa likod bahay…well malapit na din kasing masira yun…yun na lang daw ang gagamitin niang panggatong..okei solb na yun kailang n lang namin ng gas…at dahil wala kaming gas yung pabango ko na lang ang ginamit nia para magliyab ang mga “panggatong” namin..

ayun naging succes din ang pagluluto namin after 2hours..ang kinalabasan?

pinakamasarap na GINATAANG SITAW AT KALABASA para sa amin…

pinaka masarap na gatang sitaw at kalabasa para sa amin

 

 

monthly cravings

ciempwe malapit ng matapos ang month of february..at tuwing matapos ang kahit na anong buwan ndi pedeng ndi ako magkecrave….

gusto ko kumain ng:

img from tidbits flicker:Yelow Cabs New york finest

Yellow Cab's New york finest

 

saka

img from ilaw flicker:DUHAT

DUHAT

elem pa ko nung huli kong nakain yan…

gusto ko din ng

i prefer choco mucho white

i prefer choco mucho white

saka

dried sour cherry

dried sour cherry

nakakain ko lang to pag pumupunta ng iran tito ko..yumyum

 

ahahay..so far chocomucho pa lang nakakain ko jan..yung duhat at dried cherries malamang di nanaman ako makakain ..ahuhu…

cravings ulit

pancit marilao

pancit marilao

 

yummy

yummy

 

summer na kasi

summer na kasi

 

penge ng bagoong

penge ng bagoong

 

 

grilled betamax chicken blood

grilled betamax <chicken blood>

 

aun malapit na naman ako magkaron kea ang dami ko na namang gustong kainin..una sa listahan ciempre ang pancit marilao ng miss na miss ko na..sus hayskul pa yata ko nung huli kong nakakain nian..

sunod naman yung ginataang kuhol.sa pemili namin ako,yung sumunod sakin,kuya ko at yung mahal kong pamangkin lang ang kumakain nian samin.well pabor kasi matakaw talaga kami jan…

next ang halo halo aw!nagpakasawa ako jan last wikend..sarap kasi yung tinda ng kapitbahay nmin..perpek ika nga..kahit na di naman ganun kabongga ang mga sahog ee keri lang ang mahalga sa kin hindi lasang asukal yung tinda nila at hindi matabang sa gatas..

ang manga bow!naku eto pinakapaborito ko sa lahat.nung saturday lang bumili ako ng isang kilong  manga ayun pramis wala pang 30 mins ubos ko agad.mabubuhay ako na manga lang ang kinakain..

 

at ang huling ang betamax o dugo ng manok.may mga nagtitinda ng mga isaw sa harap lang mismo ng bahay ko.dun nakatambay sa gate ko kaso wala  ciang tindang betamax kakaasar…

 

sana makain ko lahat yan..anu kasi para talaga kong buntis  na naglilihi pag malapit ng dalawin  ng you know it’s a girl thing.hakhak…

cravings!

spicy buttered crabs...

hamon...

buko pandan

pride ng bulacan...Pancit Marilao!

puto with cheese

               

 

 

hindi yan ang handa nmin sa noche buena pero yan ang gusto kong kainin ngayong chismaz season…

gusto ko ng cake!

ang tagal naman ng sahod gusto kong bumili ng cake ee..para nanaman akong nglilihi neto..haaaay!

yumyum

yumyum

yumyum…

hala hala.nung sat lang gumawa n q ng  tiramisu..peo neon gusto ko nanaman ng tiramisu..hanubeyen…

penge aman ako nian!

penge aman ako nian!