hindi dapat ako magpopost ngayon ee kaso ewan ko ba.parang tanga lang kasi yung horror horoscope ko ngayong araw na to.hindi naman ako naniniwala sa mga hula hula na yan.wala lang naaliw lang talaga ako basahin yun.
at eto ang sabi ni madam Malu Pete ng comuter express…
CANCER(Hunyo22-Hulyo21) Matutupad ang nais na makasama ang minamahal sa isang gabi.Gabi nga lang ng lagim.Masuwerteng kulay- itim.maswerteng numero-10,20,29,36,43 at 47.
aysus anung gabi ng lagim naman kaya ang tinutukoy nia?anu ba yun magdedate ba kami sa sementeryo?!yung mga number kaya itaya ko sa lotto baka manalo ako ng jackpot mukhang swerte pa naman ako ngayon kasi black ang suot ko.ahahay!
eto yung iba pa…
ARIES- matutuwa ka sa kapitbahay mong gwapo dahil mapapansin ka pero dahil lang iyon sa butas mong pantalon.maswerteng kulay- berde maswerteng numero-4,12,18,24,38 at 41
TAURUS– magiging mainit ang pakiramdam mo ngayong araw, subalit iyon ay dahil nasusunog ang bahay nyo.maswerteng kulay- dilaw mswerteng numero-3,8,13,221,35 at 42
GEMINI– mapapangiti ka ngayong umaga kasi naman mabobosohan mo ang inyong kasambahay na matagal mo ng pinagnanasaan.mswerteng kulay- kahel mswerteng numero- 6,19,22,34,39 at 48
LEO– Bukas luluhod ang mga tala kaya magtiis kang maghapong nakatingala.mswerteng kulay- bughaw mswerteng numero- 5,11,26,27,31 at44
VIRGO– masisigawan ang kaaway kaya’t matatakot sayo pero sa panaginip lang iyon. mswerteng kulay-pula mswerteng numero 9,17,23,37,40 at 46
SCORPIO– mananaginip sa gabi na katabi ang isang gwapong lalaki.Bangungot paggising dahil kabaligtaran ito.mswerteng kulay- ube mswerteng numero-1,7,15,30,32 at 49
LIBRA- dadalhan ka ng kasama sa opisina ng masarap na merienda.Tira tira pala nila yun bahay nia.mswerteng kulay- puti mswerteng numero- 2,16,25,28,33 at 45
SAGITTARIUS- Makabalita na mayaman na ang lola mo.pero dahil galit sayo hindi ka bibigyan ng mana.mswerteng kulay-pula mswerteng numero- 8,14,23,30,33 at 44
CAPRICORN- pasasalubungan ka ni Mahal ngayong araw.masigabong palkpakan.mswerteng kulay- rosas mswerteng numero-2,13,24,31,36 at 40
AQUARIUS– dadagdagan ng boss mo ang iyong sweldo.Pero bibigyan ka rin ng sangkaterbang trabaho.mswerteng kulay- brown mswerteng numero-9,11,20,34,39 at 46
PIECES– mananalo sa lotto ngaung araw.kaya lang balik taya.mswerteng kulay asul mswerteng numero-3,16,21,25,38 at 41
anong say mo?